"Madam Ashley, good morning po." Yumuko pa ang babae.

"Good morning. Nasa loob na ba si President Cortez." She addresses her father like that as formal way. It's business anyway.

"Yes, Madam. He is waiting for you." Itinuro nito ang pinto ng opisina ng kanyang ama.

Hindi na siya nagsalita pa at naglakad na palapit sa pinto ng opisina ng ama. Kumatok muna siya bago binuksan iyon. Pumasok siya at nakita niya ang ama na kasama ang dalawang kapatid nito. Tita Ivy, at Tita Zenny is there. Ngumiti sa kanya ang dalawang babae habang ang ama ay nanatiling seryuso.

"Come here, Ashley. We are talking about you."

Lumapit siya sa mga ito. At umupo sa gitnang upuan. Para siyang nasa interogasyon room sa uri ng hangin na nandoon. Napahigpit ang hawak niya sa bag na hawak.

"I want to officially welcome you to Cazza Pilar but you are still under training. Tatlong buwan mong pag-aaralan ang kompanya at dapat sa tatlong buwan na iyon ay dapat alam mo na ang lahat." Panimula ng ama.

"I know, President Cortez."

Nakita niyang ngumiti si Tita Ivy. Tumingin ito sa kanyang ama. "Ganyan ba talaga ang dapat na itawag sa iyo ng anak mo dito sa loob ng opisina, Armando."

Tumingin na din ang kanyang ama kay Tita Ivy. "She wanted to call me that way. Hinahayaan ko na lang siya, Ate Ivy."

Umiling si Tita Ivy. "Well, mag-ama naman kayo. Iba ang mga batas natin pagdating sa mga anak natin."

"Maluwag ka kasi kay Cole, Ate Ivy. Dapat ay hinihigpitan mo din siya minsan," wika naman ni Tita Zenny.

"Hindi ko kailangan higpitan si Cole. Masyado ng matanda ang anak ko para higpitan ko pa, Zenny. May sarili na siyang buhay at suporta lang ng isang ina ang kailangan niya. My son is smart enough to handle himself."

Tumalim ang tingin ni Tita Zenny kay Tita Ivy. Napalabi siya. Alam niyang hindi magkasundo ang dalawa pero dahil magkapatid ay civil kung minsan ang mga ito. Hindi na nagsalita si Tita Zenny. Mas nakakatanda pa rin kasi si Tita Ivy sa mga ito.

"Cole manage well the Redwave. Hindi mararating ng kompanya mo Ate Ivy ang kinalalagyan ngayon kung hindi sa maayos niyang pamamahala ng kompanya. I want my daughter to do the same. Kung pwede nga lang na si Cole ang humawak ng Cazza Pilar ay hiniling ko na sana sa iyo."

"Masyado ng abala si Cole sa Redwave. Naawa na nga ako sa kanya minsan dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at pamamahala ng isang malaking kompanya. Nasa likod niya naman ako lagi. He always asking me about something but everything is his decision and plans." Tita Ivy seems so proud of her cousin. Kahit din naman siya.

"Enough with the talk about Cole. We are here for Ashley." Putol ni Tita Zenny.

"Yes, Zenny." Humarap sa kanya ang ama. "Are you ready for your three months training?"

"Yes, Sir." Puno ng tapang na sagot niya.

"Good. Nandito ang dalawa mong Tita para ipakilala sa iyo ang ilang bagay. Zenny knows about our telecom company, nagtrabaho siya doon at alam niya ang pasikot-sikot. Siya ang magtuturo sa iyo. Your Tita Ivy will teach you about jewelry and accounting. Dahil nasa financial industry ang ilan sa negosyo ng Redwave, mas makakatulong siya sa iyo. They are here to help you."

"We volunteer to help you, Ashley." Nakangiting wika ni Tita Zenny.

"Thank you po." Yumuko siya ng bahagya.

Kaya naman pala nandito ang mga ito. Akala niya ay kung para saan.

"Ashley, we want to teach you because we are talking about Cazza Pilar. Kompanya ng mga magulang namin. This is their legacy and we want someone the best to handle. Hindi naman hinuhusgahan ang kakayahan mo. Alam namin na kaya mong hawakan ang Cazza Pilar pero kailangan mo pa ng gabay lalo na at malayo ang tatapusin mong kurso. We want the best for Cazza Pilar. I hope you understand." Malumamay na wika ni Tita Ivy.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now