Binalik ko ang paningin sa librong hawak. Winaksi ko sa isip ang naramdaman, siguro guni-guni ko lang 'yun. Maraan akong huminga at nagpatuloy sa ginagawa. Hanggang sa mahanap at mahiram ko ang mga librong kailangan, hindi na bumalik yung kakaibang naramdaman ko. Talagang feeling ko lang 'yun. Lumabas na'ko sa library at kinuha ang bisikleta sa parking lot.

Tiningnan ko ang oras sa Clock Tower at nakitang magtatanghali na pala. Medyo may katagalan pala ako sa loob. Sumakay na ako at binaybay ang kalyeng papunta sa subdivision namin. Napahinto lang ako nang mag-red ang traffic light sa direksyon ko. Habang naghihintay sa pag-green ng traffic light, may nag-udyok sa'kin na tumingala sa widescreen ng isang building nang may nagflash doon na nakakuha sa mga atensyon ng mga tao.

Halos matumba ako sa bisekleta nang masaksihan kung ano ang ipinalabas doon.

"Japan V. League Association presenting...MSBY Black Jackals versus Schweiden Adlers..." tapos isa-isang nagflash ang mga mukha ng bawat kupunan hanggang sa makita ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Napahawak ako sa bagay na nakasabit sa aking leeg.

"OMG! Is that..."

"They're hot, huh?"

"I wish I'm in Japan right now!"

Agad akong tumalikod sa widescreen at itinulak ang bisikleta. Kahit may nababangga na akong mga tao, wala na akong pakialam. I want to get out of here. Hindi ako makahinga. Nanlalabo na rin ang mga mata ko kahit nakasalamin naman ako. Hinubad ko ito at pinahid ang namumuong luha sa mga mata. Bakit ba ako naiiyak? Hindi naman dapat ako umiiyak sa mga ganoong advertisement lang. Nakakainis naman oh!

"Kaita..."

Out of nowhere, a voice called me. Isinuot kong muli ang salamin at hinanap ang pinagmulan 'non. Ilang beses kong ibinaling ang ulo sa mga taong naglalakad ngunit bigo akong makita ang nagmamay-ari nito. Bahagyang nawala sa isip ko ang nangyari. Sino ba kasi yung tumawag? Baka guni-guni ko na naman 'to.

"...behind you."

Lumingon ako. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Realm. He's smirking from ear to ear. "What the hell's wrong with you?!" maluha-luhang asik ko sa kanya. "Don't scare me!"

Bigla siyang natawa. "I'm sorry. I didn't mean it," lumapit siya sa akin at pinahid ang mga luha ko. Ang kaninang nakangisi niyang mukha ay napalitan ng pagiging seryoso.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang tinitigan siya.

"Watching you."

Kumunot ang noo ko. "Are you stalking me?"

"Nope. I just miss you."

"Stalker."

"I like you."

"Shut up."

"I still like you," hindi na ako nakasagot pa nang yakapin niya ako bigla. In the middle of these people, Realm just hugged me. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla hanggang sa humiwalay siya sa'kin. Then, he looked at me in the eyes. "Are you feeling better?"

Tumango ako at pinahid ang natitirang luha. Siguro ang tanga kong tingnan para iyakan ang simpleng advertisement na 'yun. Well, who wouldn't? You just saw the man you've never been seen for five years, and the memories you shared together kept playing in your mind. Sa totoo lang, uwing-uwi na ko sa Japan. Matagal ko nang pinag-iisipan na bumalik pero hindi ako makanap ng tyempo upang makausap sina mama. We're doing here just fine. Naka-adjust na kami sa pamumuhay at masaya kami dito.

But my heart never settled. It keeps on finding its way back home.

"I saw you cried over an advertisement."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora