Ang pangyayari na inanyayahan siya nito na maging date sa JS prom habang may relasyon pa pala ito sa kaklase niyang si Millen. She couldn't forget that. Pagkapahiya ang naramdaman niya noon sa mga nakasaksi sa eksena na 'yon.

 "Hindi ko maalala. Care to tell me---"

 "Huwag na." Inabot niya ang mug nito. "Ikukuha na kita ng mainit na tubig. D'yan ka lang." sabi niya dito nang tangkain nitong sundan siya sa kusina. Mabilis na sinalinan niya ng kumukulong tubig ang mug nito. At nagtaka pa siya na wala pa palang kape ang mug nito na dala nito. Napakamot siya sa batok. Ayaw naman niyang maging madamot kaya pinagtimpla na lang niya ito. Matutong magbigay sa mga tagong "gipit."

 Ay, naku, naku. Ang lalaking iyon talaga. Hindi siya naniniwalang gipit ito. Sa totoo ay napakayaman ng lalaking ito. He is not just a police officer.

 Callan is also a businessman. Tumutulong ito sa upang mapalago pa ang family business ng mga ito sa San Jose, San Juan at Rosario. Nagkalat ang malalaking beach resorts ng mga ito. Bukod doon ay involved din ang mga Fontanilla sa paggawa ng masasarap na alak na idini-distribute hindi lang sa buong bansa kundi pati sa Malaysia at Thailand.

 Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na kung bakit sa dinami-dami ng kayamanan ng lalaking ito ay nananatili pa ring simple ang buhay nito. Hindi tulad ng ibang lalaki na mayaman, si Callan ay hindi mo agad na masasabi na ubod ng yaman.

 Oo, mamahalin ang kotse na nakikita niyang dala nito minsan. Pero hindi nito iyon laging ipinapagkalandakan sa mga kaibigan nito o sa ibang tao. Minsan nga lang nitong gamitin iyon. Kadalasan ay naka-motor lang ito kapag may pinupuntahan.

 And she was still wondering kung bakit naging pulis ito. Nang malaman niya na magpupulis ito, hindi lang siya ang nagulat. Pati yata ang mga kaibigan nito ay napanganga na lang ng makita na itong naka-uniform na pang-pulis. Isipin mo, ang isang bad boy at palikerong tulad ni Callan ay magpupulis? Subalit sino ba siya para husgahan si Callan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap. Nagkataon lang na 'yong pangarap ni Callan ay sabihin na natin na.. labis na kasindak-sindak.

 Napapitlag si Kira nang maramdaman niyang may tao na sa likod niya. Paglingon niya ay nakita niya si Callan na nakatayo sa likuran niya. Nahuli niya itong nakatitig sa pang-upo niya.

 "Hoy!"

Parang natauhan na nag-angat ito ng mukha. "Bakit?"

 "Anong bakit? Kung saan-saan ka tumitingin na manyak ka. Di ba, sabi ko maghintay ka sa labas?"

 "Naiinip akong maghintay. At saka, wala naman akong gagawing masama sa 'yo." Sumilay ang pilyong ngisi sa labi nito.

 Inirapan niya ang binata at inabot dito ang coffee mug. "Ayan, pinagtimpla na din kita ng kape. Baka sabihin mo napakadamot kong kapitbahay." "Nah. Alam ko naman na mapagbigay kang kapitbahay." binigyang diin pa nito ang salitang mapagbigay, at saka hinipan ang mainit na kape. She gritted her teeth. Kahit hindi nito diretsong sabihin, alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Humugot siya ng malalim na hininga.

 "Okay. Callan, puwede bang humingi ako sa 'yo ng pabor?" she smiled at him, parang nakikipag-kaibigan.

Nag-angat ito ng mukha. "Ano 'yon?"

 "Puwede bang kalimutan na lang natin 'yong nangyari? Alam mo na. Pareho naman siguro natin na hindi ginusto 'yon. Lasing ako noon at wala akong kontrol sa ginagawa ko. And maybe, nawalan ka rin ng kontrol sa sarili mo. Pareho lang tayo na may kasalanan at mas makakabuti kung ibaon na lang natin sa limot 'yon. Puwede ba?"

 Mahinahon ang boses ni Kira habang sinasabi iyon. She use good words for him to understand her. She wants peace with him. Kasalanan rin siguro niya kung bakit may nangyari sa kanila. Kung hindi ba naman siya isa't kalahating gaga na nagpalunod-lunod pa sa alak.

Owning Her Innocence (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora