CHAPTER 1: Collon

463 72 9
                                    

CHAPTER 1: COLLON

*

*

Iginala ko ang mga mata sa kinaroroonan ko at ng ibang mga batang kasama ko. Tatlumpo't apat kaming lahat sa loob ng malawak na tent. Malamig. Nakakatakot. May mga kanina pa tumatangis, may ilang lantaran habang ang ilan naman ay pilit na tinatakpan ang mga iyak. Nakikita ko ang kaba sa mga mata nila. Nakikita ko si Red sa pinakaharap na sulok, mahigpit na nakahawak sa kamay ni Violet. Alam kong di magtatagal ay magluluha rin si Red dahil sa takot kahit pa pilit niyang labanan ang takot.

Dumako ang tingin ko kay Thorn na payapang paupong natutulog sa isang tabi.

Ulupong talaga 'to! May gana pa talagang matulog! Naghihilik pa sa kabila ng kaalamang anumang sandali ay malalagay nanaman sa bingit ng kamatayan ang buhay namin. Nakakainis talaga siya!

Nakakainis rin ang mga batang nag- iiyakan kase sa palagay ko kapag di pa sila titigil ay maiiyak na rin ako. Nakakabwisit! Bwisit na lugar kase 'to eh! Bwisit na Pantalleon Core!

Walong taong gulang pa lang ako nang dalhin ako ni papa sa isang lugar kung saan ko unang nakita ang mga batang kasama ko ngayon, kung saan ko sila unang nakasama na naghihirap sa mga training na pinapagawa sa 'min sa loob ng lintik na Pantalleon Core.

Hindi na ako nakalabas sa lugar. Sa dalawang taon na nanalagi ako dito, nakita ko at naranasan lahat ang hirap. Pinagawa sa 'min ang mga gawaing dapat pangmatatanda. Marami ang nagkasakit, nanghina, at namatay na mga bata. Natitira ang mga matitibay at nawawala ang mga mahihina.

Bata man ang pag- iisip namin, marami nang mga kaalamang pangmatatanda ang itinuro sa 'min. Ang dapat ay naglalaro at nagsasayang katawan at isipan namin bilang mga bata ay maagang inagaw mula sa amin at pinalitan ng mga katakot- takot na pagpapahirap. Walang tigil na body trainings. Madudugong labanan sa bawat bata, kumplekadong mental quizzes at pag- aaral. At mga pa- ulit- ulit na pag- e- eksamin, pag- eeksperemento, at pagtuturok sa amin ng kung ano- ano. Pinapabalik- balik kami sa laboratory at karamihan ay lumalabas na wala ng buhay.

Buwan- buwan, may bagong mga batang pinapasok. Karamihan, hindi nagtatagal ng isang buwan.

Maraming nagtatanong kung bakit kami ginaganito, bakit kami pinag- eekperimentuhan, bakit kami sinasanay, bakit nila kami nilayo sa mga mahal namin sa buhay.

May alam akong sagot. Sinasanay nila kami para maging matatag, malakas, maliksi, matalino, at maging magaling sa lahat ng bagay. Magandang rason na sana pero sa mga pagsasanay na 'to, ginagawa nila kaming mga halimaw, mga mamatay- tao, mga walang- awang nilalang, mga walang- pusong kriminal.

Lahat sa amin ay ayaw maging kung ano man ang itinakda nila sa 'min. Tanga na ang sinumang batang magsasabing okay lang at ayos lang ang nangyayaring 'to. Pero wala kaming magawa. Kung sino man ang nagrereklamo ay binibigyan ng parusa, kung sino man ang magsubok na tumakas ay pinapatay.

Marami na akong mga nakasama dito. Karamihan ay wala na. May mga itinuring akong mga kaaway, at may ilan rin namang tinuring kong kapatid..................

Na kagabi lang ay nagbigay ng matinding disappointment sa 'kin.

...

...

...

Ah basta, sa kabila ng masamang loob ko sa kanila, pare- pareho lang kaming nangangarap na makalaya sa impiyernong 'to.
*

*

Ibinuhos ko na ang nalalabi ko pang lakas sa pagtakbo. Tatlong araw ang ibinigay sa amin na taning para makarating sa kabilang dulo ng kabundukan, ang Point B. Ikalawang araw na ngayon. Ayon kay Doctor Hackneyed, ang sinumang makakarating sa Point B ay mabibigyan ng malaking reward. Ang sino mang hindi makakarating ng Point B sa itinakdang oras ay i-ha-hunt down mismo ng mga PC operatives at hindi na makakabalik sa PC nang buhay.

Smiles of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon