Red String 5 ~ The Unexpected Favor

Start from the beginning
                                        

Maya-maya ay nakapasok na si Mama sa kwarto ko at agad na niyakap ako ng mahigpit. Iyak parin ako ng iyak hanggang sa napagod ako at nakatulog.

♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥

Nagising na lang ako dahil sa silaw ng araw na tumama sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagmaga ng aking mga mata dahilan ng sobrang pag-iyak ko kagabi. Tumayo ako at dumiretso na sa CR para gawin ang morning rituals ko.

Maya-maya natapos rin ako at pagkalabas ko ng CR sumalubong si Mama sa akin.

"Anak, dito ka na lang kumain..." hindi ako umimik. Kinuha ko lang aking suklay at sinuklayan ang aking buhok habang nakaingin sa salamin. "Cassy, anak, bakit ka na uniporme?" napalingon ako kay mama na may pagtataka ngunit siya rin.

"Ho? Eh, may klase ako ngayon," sagot ko naman sa kanya

"Sabado ngayon anak," hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang suklay na hinahawakan ko.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?

"Ha? Ah? Ganun ho ba? Sige magbibihis lang po ako..." ginawa ko naman rin ang sinabi ko pero nagulat ako nang matapos ako magbihis ay dahil andoon parin si Mama. "Ma, may sasabihin po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan ako paupo sa aking kama. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Anak, alam kong may problema kang pinagdadaanan pero sana naman anak hindi mo itago at hayaan mong ikaw lang mag-isa ang haharap nito. Andito naman ako, ang papa mo at ang pinsan mo... Pwede mo naman ikwento sa amin at malay mo matutulungan ka pa namin gumaan ang loob mo," mahinahong sabi ni Mama.

Tama si Mama. Dapat ilabas ko kung ano man itong nararamdaman ko.

"Ma, masama bang magmahal?" seryosong tanong ko kay Mama.

Hindi nakasagot agad si Mama. Medyo nabigla siya sa aking tinanong. Nakita ko sa kanyang mga mata na hindi niya alam kung paano isasagot ito.

Huminga ng malalim si Mama bago sumagot. "Hindi naman masama, anak. Hindi kailanman naging masama ang magmahal. May mali man sa taong minahal mo o may mahal man siyang iba, hindi ibig sabihin nito na masama ng mahalin siya. Pero kailangan mong tanggapin na parte ng pagmamahal ang mga bagay na hindi natin maabot, mga bagay na hindi talaga para sa atin kahit gustuhin man natin. Magulo ang mundo ng pagmamahal, anak. Love is a very powerful emotion."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero naintindihan ko ang gustong iparating ni Mama na mensahe sa akin. Bakit nga ba napaka unfair ng tadhana? Bakit ba nabuo pa ang salitang one sided love?

♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥

2 Weeks Later

♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥

Hinahanda ko na ang sarili ko para gabing ito. Sana nga manalo kami ngayon! Para naman ito sa paaralan eh.

"CASSY! You're next!" sigaw ng Crazy twins.

Masaya naman akong tumakbo papunta sa kanila at for the last time tinignan sarili ko sa salamin.

"OMG! Alam mo Cass, sure win na ang panalo mo!" sabi ni Crae.

"Oo nga. Sa lahat ng babae dito sa kompetisyong ito... ikaw! Ikaw ang pinakamaganda!" sabi naman ni Zy na mukhang mas excited pa para sa akin.

"Haha kayo noh? Wala kayong ibang masabi kundi puro kalokohan! Wag niyo ako idaan sa mga jokes niyo."

At para bang cue ko na rin ng matapos kong sabihin niyon kasi ako na ang sumunod na rarampa sa entablado.

Nagdilang anghel ang Crazy twins dahil nanalo nga ako sa kompetisyong iyon. Isang beauty pangeant. Ewan ko nga ba bakit ako napili na pwede naman isa sa Crazy twins eh mas maganda naman talaga sila kaysa sa akin.

Sinundo ako ni pinsan Strawberry sabi naman ng magkapatid na sasabay na lang sila sa akin pauwi tutal wala naman mga magulang nila sa bahay at makikikain nalang rin daw sa aming bahay.

"Ate Cass, sorry daw kung wala nakapunta si tita at tito. Didiretso na lang daw sila sa bahay na may dalang pagkain." Nginitian ko lang si Strawberry at dumiretso na papalabas ng venue.

Papara na sana kami ng taxi ng biglang may tumawag sa akin. Nagulat ako. Hindi ako nagkakamali. Alam na alam ko ang tunog ng boses niya.

"Drake?" nagulat rin sina Crae at Zy ng banggitin ko ang pangalan niya. Ilang buwan na rin siyang di nagpaparamdam. Hanggang sulyap lang sa malayo ngunit ngayon... nasa malapitan na siya.

"Congrats! Galing mo talaga bestfriend," sabi niya habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Salamat," nakayuko kong sagot.

Biglang tumahimik. Walang gustong magsalita sa aming dalawa hanggang sa basagin ito ni Crae.

"Strawberry! Gusto mo ba ng ice cream may alam ako na store malapit lang dito. Specialty nila ang strawberry," yaya ni Crae sa pinsan ko. Tinutukan niya ako ng matagal sa mata at umalis na rin kasama Zy at si Strawberry.

Naglakad lakad kami ni Drake. Palayo sa maraming atensyon hanggang sa nakahanap kami ng isang lugar na hindi naman madilim pero alam namin na kaming dalawa lamang andito.

Hanggang ngayon wala paring naglakas loob na magsalita. Maririnig mo ang ingay mula sa venue. Kitang-kita ko ang mga bituin. At tanging dalawang poste lamang ng ilaw ang lumiliwanag sa aming kinaroroonan.

"Congrats," ulit na sabi ni Drake pero may halong lungkot.. hindi ko maintindihan.

"Salamat," sabi ko ng mahina. Halata naman na ni isa sa amin hindi komportable sa aming sitwasyon ngayon.

Halos tatlong buwan kaming hindi nag uusap. Nag-iiwasan kung magkrus man ang landas namin sa paaralan. Pareha naming di ginusto ito. Mas lalo na ako.

Natandaan ko tuloy yung mga oras na nasa rooftop kami. Kaming dalawa. Napakaganda ng lugar. Ramdam mo ang intimacy sa hangin.

Magtatapat na sana ako sa sandaling iyon... hanggang sa...

Sabihin niya ang mga katagang... "I like someone."

"Cassy, I'm sorry," biglang sambit ni Drake na hindi ko inaasahan.

"Sorry? Para saan?" kahit magmukhang tanga ako ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang...

"Alam kong wala akong klaseng bestfriend, pero may hihilingin sana akong pabor," nahihiya niyang sabi.

Kahit ano Drake.. dahil hanggang ngayon ikaw parin ang tibok ng puso ko.

"Ano iyon?"

"Pwede ba? Pwede mo ba akong tulungan manligaw kay Ivy?"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Drake. Mas hindi ko inaasahan ang pabor na hinihingi niya.

Bakit ba kailangan masaktan ako ng paulit-ulit?

Bakit ba kasi siya pa ang minahal ko?

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now