CHAPTER THIRTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang lalaki na may saya sa mukha. Napahigpit ang hawak ni Ashley sa script na hawak. Nagtaas baba ang dibdib niya. Alam niyang pang-iinsulto sa pinsan niyang si Cole ang sinabi nito. She doesn't need to ask to Cole for what Terence mean. Nalaman namin ni Alex ang totoong nangyayari sa ngayon ay kasintahan ng pinsan nilang si Cole. At kumukulo ang dugo niya dahil alam ni Terence kung anong ginagawa ng ama nito sa step sister nito.

"How did you know him?" Ang tanong na iyon ang nagpatigil sa kanya sa paghabol ng tingin kay Terence.

Napatingin siya kay Lorenzo na may pag-aalalang nakatingin sa kanya. Ashley suddenly calm down. Kapag ang mga pinsan talaga niya ang pinag-uusapan nila ay nagbabago ang mode niya. Kung over protective ang dalawa pagdating sa kanya ay ganoon din naman siya. She hates being treating her cousin like that.

"Dati ko siyang manliligaw. Thank you saving me from him," aniya.

"He courts you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo.

Tumungo siya. "Yes. I was in my first-year college and he is in his last year."

"Really? Hindi siya nakapasa s aiyo? Hindi mo siya sinagot?"

Tumaas ang kilay ni Ashley sa uri ng tanong ni Lorenzo. Binitawan niya ang hawak na script na nagusot na sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Seryuso niyang hinarap ang binata.

"I'm not like the other girls who jump with a famous guy. Hindi isang tulad ni Terence ang kukuha ng atensyon ko." Hindi niya itinago ang inis sa binata.

"Hey! Calm down. Wala akong ibig sabihin sa mga tanong ko." Itinaas pa ni Lorenzo ang kamay nito.

Inirapan niya lang ito at ibinalik ang atensyon sa script na hawak. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Her day is already ruined because of Terence. Akala niya ay hindi na ito magpapakita pa sa kanya pagkatapos ng mga nangyari noon.

"Tinigilan ka ba niya ng magtapos siya ng pag-aaral?" Mukhang hindi titigalan ni Lorenzo ang topic na iyon.

Ipinasok niya ang hawak na script sa bag at hinarap muli ang binata. Seryuso na ang mukha ni Lorenzo. Nais ba talaga nito malaman ang tungkol sa kanila ni Terence. Kung may mas makulit sa dalawa ay si Lorenzo na iyon. Pinagbantaan na ito ni Cole pero hindi man lang ito natakot o lumayo man lang sa kanya. Lorenzo has more guts that Terence.

"Tumigil siya ng pagbantaan ni Cole ang negosyo ng kanyang ama. At alam din ni Cole ang ginagawa niyang kalukuhan. Wala siyang laban kay Cole noon dahil wala pa siyang hawak na anong kapangyarihan sa negosyo ng ama niya. Cole can easily swipe everything he have. Alex can do the same." Tapat niyang sabi dito.

Iyon naman talaga ang rason noon. Cole knows that Terence dark secret. Kung ano iyon ay hindi niya alam basta sinabi lang sa kanya ni Alex na hindi na siya gagambalain pa ni Terence dahil ginawan na ni Cole ng paraan. Ayon din sa pinsan ay tumulong din si Tita Ivy. Ang alam niya ay kapag ang ina na ng pinsan ang gumalaw ay ibang usapan na nga daw. Tita Ivy knows a lot of people because of his husband.

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Lorenzo. "Ganoon nakakatakot ang pinsan mong si Cole. Ano bang meron sa pinsan mong iyon at nakaya niyang takutin ang isang Terence?"

"You don't know exactly about Cole, Lorenzo. Hindi simpleng tao lang ang pinsan ko. Hindi ka ba nagtataka kung bakit iilan lang ang nakaka-alam na ang pinsan ko ang namamahala ng Redwave. Na hindi lumalabas sa pahayagan na ito ang CEO ngayon ng kompanya ni Tita. Redwave is a big company. They are one of the biggest companies in the Philippines. At kung ipagsasama ang kompanya ng pamilya namin ay ang pamilya Cortez sana ang pinakamayaman pamilya sa bansa. Dahil kompanya pa lang ni Cole ay kaya ng lumaban sa kahit kaninong kompanya. Cole is a powerful person. Tita alone can-do impossible thing if she wants too."

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon