Mahinang tumawa si Kuya Timothy sa kanya. Umiling lang ito. Nalaman niya mula kay Alex na hindi pala maganda ng estado ng buhay ngayon ni Kuya Timothy. Lumalaban pala sa isang sakit ang ina ng lalaki. Kaya pala sobrang busy nito. Ito pala ang personal na nag-aalaga sa inang may sakit habang ang ama-amahan nito ang namamahala sa negosyo. Ang step-father ni Kuya Timothy at tumutulak dito na pumasok ng showbiz. He has this amazing voice. Minsan na nitong pinarinig iyon sa kanya at masasabi niyang napakaganda ng boses nito.

Kung talagang nais nitong pumasok ng showbiz bilang isang mang-aawit ay may pag-asa ito. Nalaman din kasi niya na marunong itong gumawa ng sariling kanta. Kuya Timothy is very talented. Magaling din ito sa art. Marami itong sinabing suggestion sa kanya habang ginagawa niya ang damit na suot nito.

Nang magsimula ang event ay lalong lumakas ang kaba sa puso ni Ashley. Nangingig ang kamay niya sa kaba. She praying that everything will be alright. Nasa audience kasi ang ilan sa mga kilalang fashion designer sa bansa. Sila kasi ang judge sa event na iyon. Nang si Kuya Timothy na ang naglakad ay bahagya siyang sumilip. Kuya Tim walk with so much confident. Walang emosyon sa mukha nito. Para talaga itong modelo.

Napangiti siya ng mapansin na masusing nakatingin ang mga judge sa damit na gawa niya. Nang bumalik ng back stage si Kuya Timothy ay mabilis niyang niyakap ito.

"You did great, Kuya. Ang galing mo." Masayang wika niya.

Gumanti na din ng yakap sa kanya si Kuya Timothy. She is so happy. May isang judge kasi siyang nakitang namangha sa gawa niya. Hindi siya pwedeng magkamali ng nakita. Poker face man ang ibang judge ay ayos lang. One is enough for her. May laban na siya.

Siya ang unang kumalas sa pagkakayakap kay Kuya Timothy. Hinarap niya ito at inayos ang damit na medyo gumulo.

"Ang galing mong rumampa. Para ka talagang modelo kanina." Kuminto niya.

"Thank you. It's my honor to wear your first creation. Come on. May isang ikot pa ako."

Tumungo siya. Inasikaso niya ulit ito. She re-touch his make-up. Sinuri niyang muli ang suot nitong damit. Siniguradong walang gusot iyon. At nang tinawag sila para mag-standby ay mabilis silang lumapit. Isang malalim ang hininga ang ginawa niya dahil kinakabahan na naman siya.

"Hey! Relax." Narinig niyang sabi ni Kuya Tim.

Tumungo siya. Nang suminyas ang staff ay isang malalim na paghinga ulit ang ginawa niya. Ini-abot ni Kuya Tim ang braso nito sa kanya. Napatingin siya sa binata. Isang ngiti ang nakalagay sa labi nito. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Mabilis niyang ipinalupot ang braso at naglakad kasabay nito. She walks with a smile in her face. Kinakabahan pa rin siya pero dahil kasama at nakahawak siya kay Kuya Tim, mabilis iyong nawala. She walks with confident like him.

Nakasuot siya ng high heels para hindi masyadong malaki ang pagitan ng high nila ni Kuya. Tight blue jeans at iyong design shirt niya ang suot niya. Ibinagay niya iyon sa kay Kuya. Naka-insert ang t-shirt pero pansinin pa rin naman ang paint design noon. Wala siyang suot na cap kagaya ni Kuya pero may suot naman siyang kwentas na gawa sa bulaklak.

Huminto sila sa gitna ng stage dahil magsasalita ang host na siyang guro nila sa workshop na iyon. Maraming tao ang pumunta sa event na iyon at lahat ng mga iyon ay may karapatan na bumoto. 30 percent ay manggagaling sa audience habang ang 70 percent ay manggagaling sa judge na nandoon. Walang masyadong inaalala si Ashley sa magiging boto ng audiences dahil maliit lang na pursyento iyon. Ang inaalala niya ay iyong sa mga judge. Malaking impak ang boto ng mga ito. She lost once they won't vote for her.

Pagkatapos ng ilang minuto sa stage ay bumalik sila sa backstage. Doon ay hihintayin nila ang announcement ng nanalo. Naka-upo siya sa isang upuan ng hawakan ni Kuya Tim ang kamay niya at pinisil. He knows that she wants to win.


My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon