Chapter Thirty-Two

744 62 11
                                    

Fear crept throughout Emerald's body upon reading the note. It's her worst nightmare and it's now coming to life. It's breaking her from the inside and she couldn't think straight anymore.

"What's wrong, Iha?" Tanong ng inang si Ilsa nang makita ang takot at pagkatulala ng anak.

Imbes na sagutin ang ginang ay nagmadali sa pagbaba ng sasakyan si Ash at tinawag ang mga kapatid na naroon lang din sa bungad ng simbahan.

"Warden took him!" Bulalas niya pagkalapit ng apat sabay pakita sa suklay na hawak.

Hinila naman siya sa gilid ng mga kapatid upang hindi sila gaanong maririnig ng mga ibang bisita roon.

"Warden?" Ulit ni Diamond. "What is it got to do with Misael?"

"To get me. He took him because of me."

"What for? For revenge? For what happened to FLAW? Eh bakit ikaw lang ang ginagantihan?" Si Amethyst na takang-taka. "Why would he specifically be targeting you? The first one was when he used and killed your friend, right? And this time, your groom. Why is that? Out of five of us, why did he choose you?"

Hindi alam ni Em kung papaano sasagutin ang tanong na iyon. Sa nakalipas na taon ay inilihim niya sa mga kapatid ang sinapit niya sa kamay ni Warden habang lumalaki sila noon sa isla. She chose to be silent about it to protect them.

"Because he's obsessed with Emerald." Si Sapphire na ang sumagot na ikinagulat din niya.

"Obsessed?" Ulit ni Ruby. Lahat sila ay halos pabulong kung magsalita upang hindi marinig ng ibang naroon.

"You knew?" Ani Ash na kay Saph nakatingin. Nagtataka siya kung paano iyon nalaman ng dalaga.

Tumango naman ito upang sagutin ang tanong niya.

"Simula noong tumakas kayo, hindi siya tumigil sa paghahanap sayo. He keeps on asking me if I know where you are. He even tried to threaten me but he failed." Pagkukwento ni Sapphire.

Napayuko si Astrid sa narinig. Nanghihina siya dahil naaalala na naman niya ang mga naranasan noon kay Sergei. Kahit pala nakatakas na siya ay patuloy pa din ito sa paghahanap sa kanya. At ngayon nga ay marami na ang nadamay para lamang makuha siya ng lalaki.

"Do you know how Warden lost his right eye?" Tanong ni Ash kina Diamond, Ruby at Amethyst. "It was me. I slashed him." Napakuyom siya ng kamao. "Remember those times when he always asks me to do the cleaning? He did that on purpose. And whenever Madame punishes me, he's taking advantage of that so he can do what he wants to do with me." Saglit siyang huminto. "He was abusing me all those years. He was the first one to rip me off of my innocence. Asking me to do things to please him."

"Oh, Em." Napatakip ng bibig si Ruby dahil sa isiniwalat niya.

"You never told us about that." Si Diamond.

"Hindi rin namin nahalata na may ganoon na palang nangyayari sayo noon. Tayo ang palaging magkasama tuwing may training at sa tuwing uutusan tayo maglinis, ni minsan ay hindi ako nag-isip ng kakaiba sa tuwing kukunin ka ni Warden para maglinis ng kwarto niya. Why didn't you tell us about that? We could've protected you." Si Amethyst.

Si Amethyst kasi ang pinaka-close sa lahat kay Emerald dahil sila ang palaging magkapareha sa mga pagsusulit noon. Kaya't siya ang pinakaapektado sa nalaman tungkol sa kapatid.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon