Chapter Seventeen

610 49 8
                                    

Pinakikiramdaman ni Astrid ang binata habang tinatahak na nila ang daan pauwi. Hindi niya alam kung bakit pa siya pumayag na ihatid imbes na sumabay na lang kay General pauwi nang sa gayon ay makaiwas na sana siya sa mapanuring mata ng kanyang kapitan.

"Thank you for the ride." Aniya nang huminto na sa tapat ng bahay at akmang baba na ng kotse nito nang mapahinto siya sa tanong.

"Ano ang pinag-aawayan niyo kanina ng asawa ni Montenegro?"

"We were not arguing."

"She was yelling. I heard her voice from outside the door." Kinabahan naman bigla si Astrid.

"You heard her?" Ulit niya. "You heard what she said?"

"Not exactly, I just heard that she was yelling like she was angry at you." Kumunot ang noo nito sa kanya. "Why, is there something I shouldn't have heard?"

Tumawa si Em nang kaunti upang maitago ang kaba.

"It was nothing serious. She was just angry because she thought I did it on purpose." Pagsisinungaling na niya. "That I purposely bumped her and spill her juice on her. She yelled when I tried to help her clean the stain."

"Why would she yelled at you if you're only trying to help her?"

Tama nga ang hinala niya na mas mahihirapan siyang utuin ang binata kaysa sa asawa ni Ruby. Mabilis niyang nalusutan kanina ang sitwasyon paglabas nila ng CR. Mabuti na lang at nakita sila ni Percy kaya't naiuwi na rin nito ang asawa. Ang inspektor pa ang humingi ng paumanhin sa kanya sa nangyari dahil may pinagdadaanan lang daw ang asawa kaya't nagkaganoon.

"I don't know." Sabay kibit-balikat. "You heard Percy, right? She's unstable."

It is true. Ruby is unstable right now because she couldn't remember the past, who she was, and what they did together. She needs to know and she will try to investigate what happened to her.

Hindi na muling umimik ang lalaki at mukhang inaalisa pa nito ang hinabi niya kwento.

"Do you still have other questions?" Siya naman ang nagtanong. "Coz if you don't have then I'll get inside the house." Na tinuro pa ang bahay. "Papasok na ako bago pa maabutan ni General dito sa labas."

Imbes na sumagot ay ito ang bumaba ng sasakyan at umikot sa gawi niya bago siya pinagbuksan ng pintuan. Kahit nagtataka ay bumaba na lamang si Astrid at naglakad na malapit sa may gate nila.

"Would you like to go inside and have coffee?" Alok niya kay Sael na nakatayo lamang malapit sa may sasakyan at matamang nakatitig sa kanya.

"You are damn so mysterious, Astrid." At nagsimula nang maglakad pabalik sa driver's side. "I'll take the rain check on that coffee." Pagkasakay ng lalaki ay binuksan pa nito ang bintana para makita siyang muli. "Get inside now before I leave." Sumunod naman si Astrid at pumasok na sa loob ng gate. At bago pa maisara ay muling napalingon. "Good night, SPO2, See you tomorrow."

Napangiti siya at saka tinanguan ito.

"Good night, Kap. And yeah, see you tomorrow." Isinara na niya nang tuluyan ang gate at ilang saglit lang ay narinig na niya ang pag-andar ng sasakyan palayo.

Napakagat labi siya dahil sa kilig na nararamdaman. Alam niyang dapat ay itinitigil na niya ang kahibangan niya dahil wala lang naman iyon sa binata. At nang maalala ang komento ng lalaki tungkol sa pagiging misteryosa niya ay muling bumalik ang kaba sa kanyang dibdib.

Alam niyang mas lalong nagiging kuryoso si Sael sa kanyang pagkatao dahil sa pagiging misteryosa niya. Mas kailangan niyang mag-ingat dahil hindi basta basta madaling utuin ang binata at siguradong mahuhuli siya nito pag nagkataon.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon