Chapter Thirteen

670 55 11
                                    

Emerald almost held her breath while Misael is carrying her piggy-back style. She couldn't imagine that she can get too close to him like this. She's almost hugging him from his back and she can smell his perfume mixed with his manly scent.

Napakagat labi siya dahil kaunti na lang ay magdidikit na ang mga mukha nila. At alam niyang sa isang maling galaw ay maaari niyang mahalikan ang binata na siyang ikagagalit na naman nito tulad nang nangyari kagabi.

Nang muli niyang maalala ang kaganapan kagabi sa kwarto nito ay nakaramdam na naman siya ng pagkahiya. Gusto na tuloy niyang makababa para makalayo at makaiwas rito.

"You don't have to do this, just put me down." Utos niya na hindi naman nito pinakinggan.

Dire-direcho ito pababa ng burol hanggang sa marating nila ang sasakyan nito. Saka lamang siya ibinaba nang tumapat na ito sa pintuan ng passenger side.

"Get in." Anito pagkatapos siyang pagbuksan ng pintuan.

Sumunod na lang si Astrid at hindi na umimik pa. Kahit iba ang tinahak nilang daan pauwi ay hindi siya nagsalita at hinayaan lamang si Sael sa kung saan pa nito balak magpunta.

Huminto sila sa gilid ng kalsada at saka ito bumaba. Ipinagbuksan siya ng pintuan at bago siya bumaba ay muli na naman itong pumosisyon para ipasan siya sa likuran nito.

"I can walk." Aniya ngunit hinila na naman nito ang kamay niya para mapasubsob siya sa likod at saka siya pinasan nang walang kahirap-hirap.

Tinahak nito ang daan sa gilid na may mga puno. Pababa ang daan at hindi niya alam kung saan iyon patungo. Ngunit nang makarinig siya ng agos ng tubig ay saka niya naintindihan kung saan sila pupunta. Isang ilog ang bumungad sa kanilang dalawa nang marating ang ibaba.

Dahan-dahan siya nitong ibinaba sa may malaking bato roon sa may tubig. Nagulat pa si Astrid nang ang kapitan pa mismo ang naghugas ng paa niya para matanggal ang dumi at upang malinis din ang mga mumunting sugat niya sa paa.

"Ano bang ginawa mo sa kagubatan at nagkaganito ang mga paa mo? Pati yang suot mo ay nadumihan na para bang gumulong ka sa lupa. Sa itsura mo, mukha kang nakipag-away ah." Anito na hindi nakatingin sa kanya dahil abala sa paglilinis sa paa niya.

She couldn't say what happened exactly so she had to make up another excuse.

"I climbed up a tree and when I am about to go down, I slipped, and then I fell to the ground." Pagsisinungaling niya.

Doon umangat ang tingin nito sa kanya at pinakatitigan ang mga mata niya. Hinuhuli siguro kung nagsasabi ba siya ng totoo. And because she already mastered the art of lying and pretension, she can fool anyone without getting caught. She looked back at him straight in the eyes without blinking.

"Aakyat akyat ka, hindi ka naman pala marunong." Anito kaya naman nag-iwas na siya ng tingin. "May masakit ba sayo? May sugat ka pa ba sa ibang bahagi ng katawan maliban sa mga nasa talampakan mo?"

Sa puso at sa buong pagkatao ko ay may sugat na hindi gumagaling.

Gustong isagot ni Astrid ngunit hindi naman maaari kaya umiling na lang siya bilang sagot.

Nang wala nang makuhang sagot mula sa kanya ay saka ito umupo sa tabi niya.

"Why did you run away?" Biglang tanong nito. "Ingrid said that you needed to get away to breathe coz our house becomes too crowded for you." Pareho silang sa ilog nakatingin. "Pasensya ka na kung maliit lang ang bahay namin at hindi kagaya ng mansyon ninyo-"

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDWhere stories live. Discover now