Special Chapter

1K 89 21
                                    

"Is everything ready?" Tanong ni Em sa asawa.

"Almost." Sagot naman ni Sael habang inilalagay ang huling gamit sa loob ng bag. "There, we're ready to go." Anunsiyo ng lalaki at saka isinukbit na ang bag sa kanang balikat.

Tumawa naman nang kaunti si Ash nang makita ang itsura ng asawa.

"You look funny. That bag doesn't suit you." Sabay halakhak pa din. "Ang laki ng katawan mo tapos may bitbit kang diaper bag." Napapa-iling pa dahil natatawa talaga siya. "But you still
look cute though."

"Tss!" He smirked. "I look like a yummy daddy, don't you agree?"

"O siya sige na, Oo na." At saka rumolyo ang mga mata. "Let's go before we arrive late for mass." At nagpatiuna na sa paglabas sa bahay nila.

Bagong bahay ang iniregalo sa kanila nina General nang ikasal sila noong nakaraang limang buwan  at pareho pa silang mag-asawa na nahiyang tanggapin iyon. Ngunit nagpasalamat rin sila dahil bukod sa maganda at malaki iyon ay malapit sa lahat ang lugar.

"Let me get the door for you." Habol ni Sael kay Ash at ipinagbuksan pa ng pintuan ng kotse. "Careful, you might wake him up." Paalala nito.

Dahan-dahang sumakay si Em sa likuran habang buhat-buhat sa kamay niya ang anak na natutulog. She couldn't help but stare at her two-month-old baby who is sleeping comfortably in her arms. Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkakaroon siya ng isang napakalusog at napakagandang anghel sa kanyang buhay.

Kinintalan niya sa noo ang anak at saka napangiti.

"You look so perfect, Rael." Pagkausap niya sa bata. "Today, you will be blessed and everyone is excited to see you."

"Siyempre, artistahin yang anak natin eh." Singit ni Sael pagkasakay sa sasakyan. "Manang-mana sakin ang kagwapuhan niya. Mukhang maraming magkakagusto diyan at baka marami ring paiiyakin na babae yan paglaki niya."

"Naku, baka nga." Natawa si Em sa realisasyon ng asawa. "He might grow up snob and cold-hearted just like his parents." At hinaplos ang pisngi. "I hope, Israel will be much more open and approachable than us."

Israel Jacobo Del Fierro Valiente. Iyon ang ipinangalan nila sa kanilang anak mula sa pinagsamang pangalan nilang mag-asawa, Isrielle at Misael. Ngayon ang araw ng pagbibinyag sa bata at sa simbahan na lang nila kikitain ang mga kinuha nilang ninong at ninang.

Siyempre ay kumpleto ang mga kapatid ni Emerald roon dahil lahat sila ay kinuha niyang ninang ni Rael. Kinuha din nilang pares na ninong at ninang sina Lazarus at Ingrid na bumiyahe pa mula San Isidro kasama ang mamang nila na si Aling Carmen at Disney. Sina Velasquez at Solis naman din ay kinuha ni Sael na ninong kasama si Leon. At ang panghuli ay si Gene, na kahit wala na ay ituturing pa din ni Em na ninong ng anak.

Naging maayos naman ang seremonya ng binyag lalo na dahil tahimik lang ang bata na natutulog sa bisig ni Ash. Nagising lang si Israel nang mabuhusan ito ng banal na tubig sa ulo. Panay ang pagkuha ng litrato ng mga magulang nila ni Misael at isa-isa ring nagpakuha ng mga litrato ang lahat sa anak niya.

"Wait, I don't know if I can do it." Ani Sapphire kay Em na nagdadalawang isip sa pagkarga sa bata. "I might hurt him."

"Relax, you won't hurt him. Here." At dahan-dahang ipinasa ni Em ang anak sa bisig ng kapatid. "Alalayan mo lang yung ulo niya."

Sinunod naman nito ang payo niya at nakarga nang maayos ang baby.

"Bagay sayo, Saph." Tukso ni Amethyst.

"You know that I am not meant for this." Mabilis na sagot ng dalaga.

"We all thought about that to ourselves, but look at us, we're all normal now."
At inisa-isa pang tiningnan ni Taniesha ang mga kapatid. "We're all happy, right?"

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum