Chapter Twenty-One

644 63 7
                                    

"Alam mo, Pards, matutuwa na sana ako kasi sakto ang balik mo dahil meron tayong training plus outing na din sa Quezon, kaso ayan ka na naman eh, ang tigas ng ulo!" Palatak ni Gene kay Astrid habang nasa locker room sila.

"Anong magagawa ko eh makulit tong puso ko eh? Manhid na sa sakit kaya kahit alam kong mali, magpapaka-gaga pa rin." Sagot niya pabalik sa kaibigan sabay kibit balikat.

"Talagang gaga ka!" Pinandilatan pa siya ng lalaki. "Naku, gustong-gusto kitang sabunutan para matauhan ka na dyan sa pantasya mo kay Kap! Magkakaanak na nga yung tao sa ibang babae-, sa ex-girlfriend niya kaya dapat tumigil ka na." Umakto pa na gusto talaga siyang sabunutan. "At saka kahit hindi siya nakabuntis, eh hindi ka rin naman niya papatulan dahil hindi ka niya type!"

Tumaas ang kilay niya doon.

"Paano mo naman nasabi na hindi niya ako type?" Medyo asar ang tonong ginamit niya dahil nasaring ang pride niya roon.

"Kung type ka talaga niya, eh di sana pinormahan ka na niya noon pa. O di kaya ay sinagot ka na niya nung ilang beses mong inamin sa kanya na gusto mo siya. Eh hindi, so wala kang napala diba?"

Pinigilan niya ang sariling patulan ang kaibigan. Alam niyang inaasar lang siya nito upang tumigil na siya sa kagagahan niya.

"Kung hindi ako ang type niya, sino?"

"Baka ako?" Bigla naman itong bumungisngis ng tawa kaya natawa na din siya habang naiiling.

"Sira talaga ang ulo mo!" Na binato pa niya ng jacket niya rito.

"Kidding aside, Pards, tumigil ka na talaga. Ayokong masaktan ka." At nilapitan pa siya pagkatapos nitong isarado ang sariling locker. "Maganda ka at maraming magkakagusto sayo. Kung hindi nga lang ako pusong babae ay baka niligawan na din kita eh." Kunindat pa ito sa kanya na kunwari'y nilalandi siya.

"Ang landi mo, Pards!" Natatawang sabi niya habang tinutulak ang lalaki.

"Pa-kiss nga ng isa, baka sakaling maging totoong lalaki na ako. Baka iyon lang ang kulang eh. Kahit medyo nandidiri ako ay handa akong subukan to." At saka iniumang ang nguso para halikan siya.

"Sira ka talaga! Tumigil ka nga!" Patuloy pa din siya sa pagtulak habang tumatawa.

"Sige na, Pards, isa lang, kahit mabilis lang." Tumatawa ito ngunit pinipilit pa ding ilapit ang nguso sa kanya. "Pero kung gusto mo nang matagal, sige pwede na din."

Pareho silang nagtatawanan habang naghaharutan nang sabay silang nagulat dahil biglang may pabagsak na nagbukas ng locker sa may bandang dulo. Nang lingunin nila ay naroon ang kanilang Kapitan na abala sa pagkuha ng mga gamit nito.

"Kung tapos na kayong magharutan dyan, lumabas na kayo dahil nariyan na ang bus at saktong alas otso ay aalis na tayo!" Ani Valiente na pabalibag na isinara ang locker bago lumabas.

"Mukhang nireregla na naman tong Kapitan natin. Nag-angat na naman ng red flag sa init ng ulo eh!" Komento ni Soriano bago inabot kay Del Fierro ang jacket na binato kanina. "Halika na nga at baka masabon tayo nang ganito kaaga."

Nagmadali na din si Emerald sa pag-aayos ng gamit at saka sumunod na kay Gene palabas ng locker room. Tutungo kasi sila ngayon sa may Quezon upang sumailalim sa annual training nila. Inanunsyo din ni Col. Bernardo na isasabay na din ang outing nila upang makapag bonding ang departamento nila.

Mayroong anim na grupo sa CIDG kaya't hinati sila sa tig dalawang grupo at isa ang TFT1 sa grupo na mauunang magtraining at ang matitira ay maiiwan sa Krame para tumao roon.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDWhere stories live. Discover now