Chapter Twenty-Three

695 63 15
                                    

"Oo nga, sinabi nga niya yun!" Ani Astrid kay Gene nang ayaw nitong paniwalaan ang sinasabi niya.

"Hopiang hopia ka naman dyan!" Maarteng balik sakanya ng kaibigan habang nakabusangot ang mukha. "Ay naku, ilang beses na kitang pinagsabihan, Pards, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo na itigil mo na yang kagagahan mo kay Kap."

"Hindi pa ba sapat na ebidensya yun na may gusto din siya sakin? It's obvious that he's jealous!" Frustrated niyang sabi.

"Sabihin na natin na nagkakagusto siya sayo, eh paano si Dorina? Magkaka-anak na sila. Aagawan mo ba yung bata ng ama?"

Nairita siya sa tanong ng lalaki. Para kasing siya ang lumalabas na masama sa nangyayaring iyon. Na siya ang kontrabida sa istorya ng pag-ibig nina Sael at Dorina.

"Dahil lang ba sa mahal ko si Sael, inaagawan ko na yung bata?! Hindi ko naman balak na ilayo siya sa magiging anak niya. If we're going to be together, he's free to visit his kid. I won't interfere in their relationship because I know where I stand."

"Kung ikaw talaga ang mahal niya, eh paano kung hindi? Paano kung mas matimbang sa kanya ang pamilyang bubuuin niya?" Patuloy pa din nito kaya naman napikon na siya.

"You know what, never mind! Forget everything I said! Nagpunta ako rito para ikwento sayo ang nangyaring maganda sa akin tapos babasagin mo lang?!" Padabog na siyang tumayo. "I'll leave you to rest." At saka lumabas na at hindi na muling lumingon sa kaibigan kahit pa tinatawag siya nito.

Naiintindihan naman ni Em si Gener, kapakanan lang niya ang iniisip nito ngunit nakaka-pikon na. Sumasama ang loob niya dahil tila ba ayaw nitong maging masaya siya kahit saglit lang.

Naghahanda na sila para matulog at sinigurado ng Kapitan na hindi makakaramdam ng pagka-ilang si Astrid dahil siya lang ang nag-iisang babae roon sa baraks nila. Hinayaan nito na doon malapit sa may bintana pumwesto ang dalaga at silang mga kalalakihan naman ay pumwesto nang may tamang layo mula rito.

"Tomorrow, we must prepare ourselves for the worst possible scenario in the training. We will have a group task and I need everyone to focus and to trust each other." Wika ni Valiente.

"Yes, Cap!" Sabay-sabay nilang lahat na sagot.

Pinatay na ang ilaw upang makatulog na sila ng maaga. Ang akala ni Emerald ay mabilis siyang aantukin dahil sa pagod mula sa pisikal na ginawa nila kanina ngunit nagkamali siya. Dilat na dilat ang mga mata niya at pinakikiramdaman ang paligid.

She can hear the others snoring and that means they have already fallen asleep so she stood up and stared outside the window.

"Namamahay ka ba o sadyang hindi ka sanay matulog sa sahig?" Untag sa kanya ng kapitan na bumangon at lumapit sa kanya.

"Wala naman problema kahit saan ako matulog, hindi pa lang talaga ako dinadalaw ng antok." Nilingon niya ang lalaki. "Ikaw, bakit gising ka pa?"

Nagkibit-balikat muna si Sael bago sumagot.

"Hindi rin ako inaantok, marami kasing tumatakbo sa isip ko."

"Kaya pala hindi ako dinadalaw ng antok kasi kanina pa pala ako tumatakbo dyan sa isip mo. Pagpahingahin mo naman ako Kap, buong araw na tayo sa training field eh." Biro ni Astrid habang tumatawa.

"Sira ka talaga!" Umiiling-iling na sabi na sagot ng lalaki habang nangingiti.

"I rarely see you smile. You look cute when you smile."

"Cute is for boys." Inalis na nito ang ngiti sa labi.

Natawa si Em lalo dahil ayaw nitong magpatawag mg cute.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon