Chapter Ten

618 52 4
                                    

Kahit kulang sa tulog ay hindi magawang umidlip ni Emerald sa biyahe. Tinatanaw niya ang mga tanawin sa labas ng bintana at paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa napakagwapong kasama niya.

Nakafocus sa pagmamaneho si Misael habang nakikinig sa music sa loob ng sasakyan. Hindi na lang niya kinukulit ito at ninanamnam niya ang ganitong pagkakataon na kasama niya ang binata.

Maaga siya nitong sinundo kanina sa bahay. Mabuti na rin iyon para hindi sila naabutan ng ama-amahan at baka mabulilyaso pa ang lakad nila. Siguradong iinterbyuhin nito ang lalaki at aalamin ang lahat-lahat tungkol rito. Ayaw na muna niyang pagharapin ang dalawa dahil wala pa namang namamagitan sa kanila ni Valiente. Saka na siguro kapag 'sinagot' na siya nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Astrid na niyaya siya ni Misael na sumama sa bakasyon nito. Hindi niya alam na pareho pala sila ng nakuhang leave kaya naman sobrang saya niya ngayon lalo na't sa probinsiya nito sila pupunta.

"Are we there yet?" Tanong niya nang lingunin niya ito.

"Almost." Tipid nitong sagot. "Why, are you bored already? Sabi ko naman sayo na mahaba ang biyahe kaya matulog ka na lang muna." Ni hindi siya nililingon nito at direcho lang ang tingin sa kalsada.

"I'm fine. Hindi naman ako nabored sa biyahe. In fact, I enjoyed it. I like long hours of driving." At mas pinakatitigan ang lalaki. "Ang sarap mo kayang pagmasdan." Sabay halakhak niya.

Sinulyapan lang siya nito saglit bago umiling. Ilang minuto pa ang lumipas nang madaanan na nila ang arko ng bayan ng San Ignacio.

Hindi na iyon tipikal na probinsya dahil may mga malalaking gusali na rin ang naroon, ngunit tahimik at payak pa rin ang pamumuhay ng mga tao. Nang mapadaan na sila sa mapupunong paligid ay binuksan ni Astrid ang bintana sa sasakyan para makalanghap siya ng sariwang hangin.

"Malapit na tayo sa bahay." Anunsiyo ng binata kaya naman isinarado na niyang muli ang bintana.

Sa tapat ng isang di kalakihang bahay sila huminto. May mga iilang tao roon ang napapatingin sa sasakyan nila, marahil ay nakilala ng mga taga rito kung sino ang nagmamay-ari niyon.

Pagkababa nila pareho ay may mga mumunting pagsinghap siyang naririnig. May mga kaunting bulungan din na hindi nakaligtas sa kanyang matalas na pandinig.

"Si Sarhento ba yan?" Bulong ng isa sa mga babaeng nakatanaw sa kanila sa di kalayuan.

"Oo si Sarhento nga! Sino yang kasama niyang babae? Girlfriend niya? May girlfriend na siya?" Sabat naman ng isa.

"Imposible! Hindi ba sila pa din ni Dorina?" Doon napataas ang kilay ni Astrid sa sinabi nung huli.

Who's Dorina?

Hindi niya nilingon ang mga nagbubulungan at kinuha na lamang ang mga gamit niya sa kotse.

"Sarhento!" Bati ng isang matandang lalaki na lumapit pa kay Valiente. "Kumusta? Ngayon ka lang ulit nakauwi dito sa atin."

"Kayo pala, Mang Pedring! Ayos naman ho ako. Maraming trabaho sa Maynila kaya ngayon lang nakapagbakasyon." Sagot ng binata na nilingon pa siya. "Isinama ko nga din tong kasamahan kong pulis para makapagbakasyon din dito sa atin kahit saglit."

"Ay ganon ba? Naku, magugustuhan mo dito sa San Ignacio, Iha." At saka lumapit pa sa kanya ng matanda. "Ako nga pala si Mang Pedring, ang may-ari ng tinapayan dyan sa may kanto." Naglahad ito ng kamay sa kanya.

"SPO2 Astrid Isrielle Del Fierro po." Pagpapakilala din niya sa sarili at tinanggap ang kamay ng matanda.

"Napakaganda mong babae para maging isang pulis. Mas babagay sayo ang maging isang artista at modelo. Ang kutis mo ay parang hindi nabibilad sa araw." Puri sakanya na tinawanan lang niya.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon