Chapter Twelve

663 52 5
                                    

Astrid is having a war with herself. Naiinis siya sa sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon niya kagabi. Wala siyang mukhang maihaharap sa binata at kung dala sana niya ang kanyang motor ay baka hating gabi pa lang ay bumalik na siya ng Maynila.

Sanay na ang katawan niya sa puyatan dahil hindi na nga niya matandaan kung kailan siya huling nakatulog nang mahaba at mahimbing. At dahil nga hindi siya nakatulog ay maaga siyang lumabas ng kwarto kung kaya't sinamahan niya si Aling Carmen na mamalengke para sa ihahanda mamaya dahil ngayong araw ang kapistahan ng bayan ng San Ignacio.

"Naabala ka pa ng anak ni Laz para mag-bake ng cookies." Turan ng ginang habang napapatingin sa kanya sa paghalo ng mga ingredients. Nakabalik na sila galing sa palengke.

"Ayos lang po iyon. Pagkasalang ko po nito sa oven, tutulungan ko na po kayong maghiwa." At binilisan na ang pagkilos.

"Hindi na, nariyan naman si Ingrid." Na inginuso pa ang anak na abala sa pagluluto ng almusal.

"Oo nga Ash, kami na lang ni Mamang ang bahala dito sa kusina. Bisita ka namin kaya dapat hindi ka nagtatrabaho." Segunda naman ng dalaga.

"Ayos lang talaga, gusto ko din kasing malibang para mawala ang mga iniisip ko." Sagot ni Astrid na pinagsisihan din niya agad.

"Bakit, may problema ka ba?" Si Aling Carmen.

"Si Kuya ba?" Dugtong pa ni Ingrid na gusto niyang ikangiwi dahil sa galing nitong manghula. "Dahil ba sa kanilang dalawa ni Dorina?"

Umiling naman siya agad.

"Hindi. Wala naman akong problema sa kanila. May inaalala lang akong iba." Pagdadahilan niya at kunwari ay nagfocus na siya sa pagbe-bake.

Inilalagay niya ang mga tray ng cookie dough sa loob ng oven nang manigas siya saglit dahil naramdaman na niya ang presensiya ni Misael.

"Kumain ka na Kuya, eto tapos na akong magluto."

"Maya-maya na, kailangan ko muna ng kape dahil masakit ang ulo ko." Naroon ang diin sa boses nito.

"Bakit? Nalasing ka ba kagabi? Ang sabi ni Ash galing ka daw sa pakikipag-inuman eh." Tanong ni Ingrid.

"Nope. My head hurts because I haven't slept at all." Napapikit si Astrid dahil alam niyang pinaparinggan siya nito.

Marahil ay hindi rin ito nakatulog gaya niya dahil sa sobrang inis sa kanya. Baka nga tuluyan na siya nitong tanggalin sa grupo dahil sa ginawa niya. Mabuti na lang at nakatalikod siya dahil nakadukwang siya sa may oven habang tinitingnan ang mga cookie dough. Hindi niya ito kayang tingnan nang direcho sa mga mata dahil sa hiya.

"Bakit ka naman hindi nakatulog? Dahil ba sa kakaisip kung makikipagbalikan ka na kay Dorina?" Pangungulit ng kapatid nito. "May balak ka ba talagang makipagbalikan sa kanya?"

Naghihintay siya sa isasagot nito ngunit wala siyang narinig. Nagulat pa siya nang tumayo ito sa tabi niya.

"Stop pretending like you're waiting for the cookies to be baked when you've just put it inside the oven two minutes ago." Anito na para bang walang nangyaring kahiya-hiya sa pagitan nila kagabi.

"Sure." Iyon lang ang sagot niya at saka bumaling na muli sa mesa upang tumulong na sa paghihiwa. "Panggisa lahat ng bawang at sibuyas diba?" Tanong niya kay Ingrid.

"Oo. Pero ako na dyan-"

"Ako na, marunong naman ako." Putol niya nagsimula na sa paghihiwa.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDWhere stories live. Discover now