Chapter Eleven

587 46 7
                                    

Kahit nagpupuyos ang damdamin ni Emerald ay hinayaan niya ang dalawa na makapag-usap. Kahit na may tsansang magkabalikan ang mga ito ay ginawa pa din niya dahil iyon ang tamang gawin.

Doing the right thing wasn't always your first choice. Huh!

She mocked herself.

Nilakad na lang niya pababa mag-isa ang burol. May nakita siyang daan papunta sa kagubatan na tila ba tinatawag siya. Lumaki kasi siya na para bang naging playground nilang magkakapatid iyon. Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan ba niya o hindi dahil mabigat ang nararamdaman niya sa dibdib. Ngunit mas pinili niyang tuluyang bumaba ng burol.

Pagdating niya sa ibaba ay wala masyadong sasakyan ang dumadaan. Sa kanan niya ay papunta sa bayan ng San Ignacio at sa kaliwa naman ay papunta sa bahay nina Sael. Hindi niya alam saan siya tutungo.

"Narito na rin lang ako ay lulubusin ko na ang bakasyon ko." Pagkausap niya sa sarili at tinahak ang daan sa kanan.

May natanaw siyang sasakyan sa kabilang daan na huminto at ibinaba ang bintana.

"Why are you alone?" Tanong ni Lazarus na siyang kaibigan ni Misael.

"Uhmm.. I left them so they could talk. Andun sila sa itaas ng burol." Na itinuro pa ang pinanggalingan at alam niyang may ideya ito sa sinasabi niya.

"Hinayaan ka ni Sael na gumala mag-isa? Bibihira lang ang dumadaan na sasakyan dito dahil halos lahat ay main highway ang tinatahak. Paano kung may gago kang makasalubong habang naglalakad? Tsk! Nag-iisip ba tong si Sael?!" Inis nitong marka.

"I decided to leave." Pagtatanggol niya sa kapitan. "Ayoko naman na maghintay sa kanilang dalawa na matapos roon. I don't wanna make myself look stupid."

Napangiti ito sa turan niya.

"Don't worry, I get it." Nakangiting sabi nito sabay paandar ng sasakyan at iniikot iyon upang makalapit na sa gawi niya. "Get in. Ako na ang maghahatid sayo kung saan mo gustong pumunta." Alok sakanya.

"Hindi na, ayos lang. Sa bayan lang naman ang punta ko eh, mag-iikot ikot ulit."

"Then I'll tour you around. Tapos saka tayo uuwi dahil doon din ang tungo ko sa bahay nila." Alok pa din nito na hindi na niya matanggihan.

Dinala siya nito sa may pamilihan para bilhan ng mga produktong gawa sa bayan na iyon. Dahil kilala ang binata bilang Kapitan sa presinto ng San Ignacio ay maraming mga tindera ang nag-alok ng libreng tikim sa mga paninda kaya naman nabusog silang dalawa kakatikim sa mga kakanin at iba pa.

Inabot na sila ng dilim kaya naman inaya na siya nitong umuwi.

"Dadaan lang tayo saglit sa bahay ko, may kukunin lang ako." Ani Valderama. "Dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay ko kina Sael."

"Magkababata kayo?" Tanong niya para may masimulan sila na paksa.

"Oo. Pareho kaming dito ipinanganak. Simula bata ay magkaibigan na kami. Magkalaro dahil magkakaibigan ang mga magulang namin. Magkaklase din kami simula elementarya hanggang sa pareho kaming kumuha ng kursong criminology. We're inseparable." Natatawang kwento nito. "Kaya tunay na kapatid ang turingan namin sa isa't isa. Pamilya na ang turing ko sa pamilya niya kaya nangako ako sakanya na babantayan ko sina Mamang at Ingrid."

"Ang swerte pala ni Captain Valiente sayo dahil kaibigan ka niya."

"Ako ang maswerte dahil kaibigan ko siya, dahil may pamilya  akong naituring simula nang mamatay sina Nanay at Tatay." Huminto na sila sa isang bahay na kasing laki lang din ng bahay nina Sael. "Saglit lang, kukunin ko lang si Disney." At akmang bababa na.

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDWhere stories live. Discover now