Chapter Twenty-Eight

715 56 7
                                    

"I suggest you take a two-weeks leave, Del Fierro so you can take a rest." Ani Col. Bernardo.

"I'm fine, Colonel. I don't need a vacation leave." Magalang na sagot ni Astrid.

"I understand that it's hard for you since you're close with SPO2 Soriano so I think it would be better if you just take a leave from work so you can rest-"

"As I've said, I don't need some." Putol ng dalaga sa matanda. "But thank you for offering. Is there anything else you need from me, Sir coz I still have a lot to do?" Halatang tinatapos na niya ang konbersasyon nila.

"There's none. You can go back to your work now." Pagsuko ng matandang lalaki at hinayaan na lamang siya.

Pagkatapos sumaludo ay lumabas na kaagad si Ash sa opisina ng colonel at bumalik sa kanyang mesa. Saglit niyang nilingon ang katabing mesa na dating pagmamay-ari ng kaibigan. Malinis na iyon at wala nang mga gamit. Sanay siya na nakikita lang ang lalaki roon at madalas pa ay nakatanghod ito sa kay Hector na nasa kabilang hanay lang.

How she misses Gene. She had been a worthless friend. She should've seen his problems coz if she did, she would've been able to help him and he shouldn't have opted to deal with the enemy.

Biglang pumasok sa isipan niya ang tagpo sa ospital kung saan dinala ang bangkay ng kaibigan.

"Astrid, bakit kami pinapupunta rito sa ospital? May tumawag sa bahay at kailangan daw namin pumunta rito? Ano bang mayroon? Nasaan ang anak ko? Nasaan si Gene?" Tanong ng ginang na hindi kayang sagutin ng dalaga.

Nasa likuran nito ang dalawang apo na parehong naguguluhan din sa nangyayari. Isang batang lalaki na nasa anim na taon na at ang batang babae na limang taong gulang pa lamang.

Hindi masagot ni Ash ang tanong o mas tamang sabihin na ayaw niyang sagutin iyon kaya naman tinuro na lamang niya ang kwarto kung nasaan ang bangkay ng kaibigan. Pagkapasok roon ng matandang babae ay rinig na rinig ang pagsigaw nito na puno ng hinagpis.

"Anak ko!!!!" Humahagulgol na hiyaw ng ina ni Gene.

"Dada!" Sabay na sigaw naman ng mga bata na nagsisi-iyakan na din.

Hindi kinaya ni Ash na tingnan ang tagpo roon, maski marinig ang mga iyak at daing ng iniwang pamilya ng kaibigan kaya naman umalis na siya roon. Isang beses lang siyang dumalaw sa burol sa bahay dahil mabigat pa din sa pakiramdam niya ang makita ang bangkay nito at ang pinakahuli ay nang inilibing na ito sa tabi ng puntod ng ama at kapatid nito.

And Emerald made a vow on her friend's grave that she will have her revenge. She will haunt down Warden and his army and she will kill them all.

Napabalik lang sa kasalukuyan ang pag-iisip ng dalaga nang lapitan siya ni Sael.

"How are you?" Tanong ng binata.

"I'm fine." Nakakunot-noong sagot ni Ash.

"Are you sure? You can take a short leave-"

"Why does all of you wanted me to take a leave, huh?!" Putol ng dalaga na halatang iritado na. "I said I'm fine and I don't need a fucking rest!"

"Everybody needs a rest." Mahinahong balik sa kanya ng kapitan.

"Well, I don't need one!"

"You need it more than anyone in this department." Medyo madiin na ang pagkakasagot ng lalaki. "You lost someone important and you need to give yourself a time to grieve-"

"I'm done with that." Walang emosyon na ang mukha ng dalaga na ikinabahala na ni Sael. "Grief is just a burden. It will only hold us in place if we don't do something and I don't want anything to hold me back. I'm tired of feeling something I shouldn't feel. I shouldn't have entertained any emotions, I shouldn't have changed myself to fit into this world. It would have been much easier for me to deal with everything if I just stayed being who I am."

F.L.A.W Series Book 2: EMERALDWhere stories live. Discover now