"Baby..." tawag ni mom sa akin. Nakatayo na sila sa harapan ko. Bumaling ako sa tumatawag sa akin, nginitian ko si mom. Nang marinig ko pamamaalam ni Soo-joon kay dad nagbalik ulit ang paningin ko sa kanila.

"Magmieryenda ka muna ijo..." alok ni mom. "Or kaya maghaponan ka muna."

"No need ma'am, may pupuntahan pa ako eh," sagot ni Soo-joon.

Tumalikod si Soo-joon, ngumuso ako habang papalayo siya sa amin. Hinawakan ni mom ang pulsunan ko at ginaya patungong loob ng bahay. Umakyat ako ng kwarto, pagpasok ko doon agad akong nagpalit. Humiga ako sa kama at inaalala ang mga nangyari sa araw na ito. Then hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

As the sun started to come out in wednesday morning. Isang malakas na katok ang nagpagising sa akin. Sapilitan akong tumayo sa kama at pinagbuksan kung sino man ang nasa labas. Si nanay Maling iyon, isa sa mga katulong namin. Ano na naman kaya ang pakay nito?

"Ano nanay?" Tanong ko pagbukas ng pinto. "Nakaka-estorbo ka!"

"E-estorbuhin talaga kita dahil malapit nang mag-aalas otso," ani ng katulong. "Male-late kana sa first subject mo!"

Para akong nakainom ng sampung bote ng energy drink, nawala agad ang antok sa narinig mula kay nanay. Isisira ko na sana ang pinto para maghanda nang mayroong inabot sa akin siyang cheke. Mas lalo akong nabuhayan dahil dito. Tinanggap ko ito at tuluyan nang isinara ang pinto.

I was ready. My parents was already on their work. Hindi na ako nag-agahan, pumasok na agad ako sa school dahil late na ako. Papasok ako ng elevator nang may sumabay sa akin, si Beautyfil ito. Ngumuso ako nang sumira ang elevator, si Beautyfil naman ay seryosong-seryoso nakatayo sa gilid ko.

"I heard the rumours," entro ni Beautyfil. "You and Soo-joon are dating...?"

Nilingon ko si Beautyfil, halatang ako ang kinakausap niya dahil kami lang naman dalawa ang nasa loob ng elevator. Humarap siya sa akin, seryosong-seryoso parin ito. Nginitian ko siya ngunit agad din ko itong pinalitan ng seryosong ekspresyon.

"Ano naman ang paki-alam mo kung nagdadate kami?" pilosopo kong tanong. "Hindi ka naman girlfriend niya, right?"

Humarap ulit si Beautyfil sa pinto ng elevator na parang gustong mangangain ng tao. Mababasa ito sa kaniyang ekspresyon. Hinapuhap niya ang kanyang buhok, nag-iinis. That's it, behind her beautiful face, monster is hiding there. Wait, can I call her, Beautyfil monster? Feeling santa, satanista naman.

"Alam mo ba na may ibang gusto si Soo-joon," sabi nito. "H'wag ka ng mag-illustion..."

Nalaglag ang bagang ko sa irita dahil sa narinig mula sa kausap. Pinagdilatan ko siya, ganoon din ito sa akin. Aba, palaban din ang isang ito! Akala naman masisindak niya ako... Hindi niya alam na sanay ako sa gulo. Halata talaga itong hindi ako kinilala bago ako banggain.

"So...do you think ikaw ang gusto niya?" malumanay kong tanong. "Monster Beautyfil, you're just dreamin'..."

Halos sumabog sa galit si Beautyfil, gustong-gusto na niya akong balatan ng buhay dahil sa huling sinabi ko. Ngumisi ako nang marahas siyang humarap sa akin. Siguro kong hindi bumukas ang pinto baka ano ng ginawa niya sa akin. But of course...if that will happen I don't let her harm me without a fight. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para apihin. Try to give me a fight, Beautyfil...I will leave you with black eyed!

"Hindi nga ako ang gusto niya pero hindi rin ikaw," pahabol ni Beautyfil bago siya lumabas ng elevator.

Napaisip ako sa iniwan na mga kataga ni Beautyfil. Hindi siya ang gusto ni Soo-joon at hindi rin ako? Kung ganoon, sino ito? Is it Lizzie?

Muntik akong nasirhan ng elevator. Dali-dali akong lumabas, laking pasalamat ko na hindi ako naipit sa pintuan. Tumayo muna ako at inayos ang sarili kasunod ay humakbang patungo sa silid-paaralan. Hindi pa ako nakarating doon pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Anong meron?

"Is it the new student?" rinig ko na bulong ng isang estudyante sa kasama niya. "Beautyfil is more beautiful than her!"

"Siya ba? Hindi naman siya maganda!" may iritableng sabi ng isa pang estudyante sa kausap.

Kunot-noo akong lumilinga-linga sa paligid. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? They were comparing me to that Beautyfil. I'm different. Pinapakita ko ang tunay kong ugali habang ang babaeng iyon ay tinatago ang masamang ugali niya sa kaniyang magandang mukha. She is fake!

Biglang may humawak sa braso ko, si Lizzie iyon. Nginusuhan ko siya habang ito ay nakangiti sa akin. Baka siya rin nagpapanggap  na kaibigan ko. Bumalik sa akin ang sinabi ni Beautyfil kani-kanina. Posible kaya na siya ang gusto ni Soo-joon?

Tiningnan ko ng maigi si Lizzie, mukha naman na hindi peke ang mga ngiti niya sa akin. She is friendly and innocent. Ang tipo niya ang hindi mahirap magustuhan. What if kaya kung totoo ang hinala ko?

"Alam mo ba na laman ka ng tsismis dahil kahapon," balita ni Lizzie. "My god! I saw you with Soo-joon. Is it true, you're dating with him?"

"Ano naman sayo kung nakikipag-date ako sa kaniya?" pabulyaw kong tanong. "Meron bang problema kung makipag-date ako sa kanya?"

Ngumiti siya, hindi man lang siya nainis sa akin. Kung ako iyon, pinagsasabihan ng ganoon na tuno ng boses siguro nagdederelyo na ako sa galit. Pero siya chill lang. Hindi ba ito marunong magalit?

"Of course, wala! I'm just asking," Lizzie answered.

"Buti naman. May tanong ako sayo Lizzie..." I swallowed hard. "May gusto kaba kay Soo-joon?"

Tumawa si Lizzie, pinagdiltan ko naman siya. Tumahimik siya at umiling-iling. Ano bang ibig niyang sabihin? Wala siyang gusto kay Soo-joon? Imposible naman yata iyon...ang gwapo ni Soo-joon para hindi niya magustuhan.

"Wala akong gusto sa kanya," sagot niya. "Meron akong ibang crush no..."

Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Sana nga lang hindi siya nagsisinungaling. Sino naman kaya ang crush niya?

Nasa loob na kami ng classroom. Umupo kami sa pinaka-hulihan, doon nalang rin ang may bakante na upuan. Buti't wala pa ang instructor namin, late pa naman kami ng ilang minuto. Inisog ni Lizzie ang upuan palapit sa akin, hinayaan ko rin lang siya.

"So..." intro ni Lizzie. "How's your first date with him?" usisa niya.

"Okay lang..." timid kong sagot.

Naramdaman siguro ni Lizzie na wala akong ganang makipag-usap sa kaniya. Ibinalik niya sa puwesto ang kaniyang upuan sabay rin ang pagpasok ng instructor namin. Nagsimula agad ang magklase, binuklat ko ang aking notebook at isinulat ang liktiyur ni prof.

Isang oras ang klase ko sa unang subject sa umaga. Isang oras rin ang bakante ko. Nagpunta ako sa canteen kasama si Lizzie, magkapareho kami ng sched kaya palagay ko araw-araw ko na siyang makakasama. Mabuti rin ito para may maituturing akong kaibigan at hindi ako makakaramdam ng out of place.

To be continued...

I'm Crazy In Love With A Runaway Badboy PrinceWhere stories live. Discover now