CHAPTER 19 - F I N A L

72.5K 1.9K 1K
                                    

Maggie



"Magic sarap!" napalingon ako sa boses na 'yon ni Gail, nakita ko itong patakbong lumapit sa akin.

"O bakit?" tanong ko pagkatapos itong salubungin.

"Salamat nga pala 'don sa tulong mo kanina ha? Kung di dahil sayo baka mapahiya ulit ako tulad 'nong mga nakaraang araw." anito habang kamot ang batok.

"Walang anuman, Gail. Buti na lang at nandoon ako, I just saved your ass from being grilled you know."

Humaba nguso ni Gail at bumuntong-hininga. "Feeling ko talaga malaki galit yang si Ma'am Maureen sakin. Bakit ba lagi ako yung pinapatayo niya tuwing oral recitation e hindi lang naman ako yung estudyante sa loob ng classroom?"

"Aba malay ko ba dyan." patay-malisya kong sagot na ikina-simangot lang nito.

"Tapos ang hirap pa nung mga tanong niya sakin, yung tipong pang doctoral degree. Nakakainis at nakakabwesit, alam mo ba 'yon?"

Bumungisngis ako. Nagkaroon kasi kami ng oral quiz sa subject ni Ate Maui kanina kung saan si Gail ang may pinakamahirap na tanong. Ginisa ito ni Ate Maui ng husto kaya nag-volunteer na akong tulongan itong makasagot.

"Panay din naman kasi absent mo e." asik ko.

"Sino bang hindi gusto aabsent kung lagi niya akong sinusungitan? Pakiramdam ko tuloy personal yung atake niya sa akin, napansin mo ba?"

Umiling ako. "Pabayaan mo na 'yon. Ganun lang talaga kapag may edad na, masusungit at parang laging galit sa mundo."

Natawa si Gail. "Gaga ka."

"Totoo naman e. Ang hirap intindihin minsan ang mga yan. Proven at tested ko na yan sa asawa ko."

Natawa ulit si Gail pero agad ding sumeryoso. "Hindi na rin ako magtataka kung mababa lang yung grades ko sa subject niya. Baka nga, bagsakin ako 'non e."

"Hindi naman siguro. Ma'am Maureen is not that heartless. Pero kung sakaling yun nga ang mangyari, eh di suyuin mo na lang." biro ko saka ngumisi. "Saan ka pala ngayon? uuwi ka na ba?"

"Pupunta pa ako sa bahay nila boss Vaughn. May ipapagawa ata siyang trabaho sa akin ngayon." she was referring to her boss where she works as a part time assistant.

"Buti naman at nakaya mong ipagsabay ang pagiging radio dj at pagiging part time assistant mo?"

Nag-kibit balikat si Gail. "Kailangan eh, self support lang kasi ako."

I smiled at her. "Kaya mo yan, tutal malapit na tayo ga-graduate. Magiging worth it din yung mga sakripisyo mo."

"Asus, madali lang sayo sabihin yan kasi may asawa kang mayaman na sumasagot sa lahat ng gastusin mo. Pareho lang kayo ni Sue."

Bumungisngis ulit ako saka ginulo ang buhok nito. Paglabas namin ng school gate ay nauna na itong nag-paalam sakin at sumakay ng jeep.

Ako naman ay naglakad palapit sa kinaroroonan ng maliit na stall at isa-isang tinignan ang mga panindang accessories doon hanggang sa dumako ang mata ko sa isang bagay.

"Magkano po 'to, manang?" tanong ko sa tindera sabay turo sa infinity ring.

"250 lang hija, kasama na yung maliit na box. Kukunin mo ba?"

Saglit kong tinitigan ang mga paninda nitong singsing bago naglabas ng pera. "Sige po, kukunin ko po."

Kinuha ni Manang ang itinuro kong dalawang infinity ring saka yun inilagay sa maliit na box at ibinigay sa akin.

Matapos bayaran, timing naman ang pagtunog ng message alert ng phone ko. Agad ko yung kinuha para basahin.

From: Ate Maui 💘
I'm here at the café already, sis. Hurry up, your wife is here. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora