CHAPTER 8

61.7K 1.9K 1.5K
                                    

Maggie


Excited kong sinalubong si Theia paglabas ko ng school gate. Usapan kasi namin kagabi na susunduin niya ako ngayon para sa 'date' namin. Buti nalang at maaga kaming dinismiss ni prof.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko pag-upo ko sa front seat ng kotse niya.

"I just arrived three minutes ago." sagot niya na bahagya pang nakakunot-nuo. "Diba dapat mamayang alas singko pa yung dismissal nyo?"

"Oo pero maaga kaming pinauwi ni prof ngayon e."

"Are you sure? Baka naman nag cutting classes ka?"

"Hindi ah." mabilis na tanggi ko.

"Wife, i know you're excited for our date but that isn't an excuse para umabsent ka sa klase mo."

"Wifey, maaga nga kami pinauwi ni prof. Ayon nga siya oh." itinuro ko sakanya ang direksyon ng professor namin sa calculus na timing nag-aabang ng taxi sa kabilang kanto.

Mukhang na convinced naman si Theia bago niya ibinalik ang tingin sa akin. "So saan mo ba ako balak dalhin sa date nating 'to?" may bahid na amusement niyang tanong.

"Honestly..." bahagya akong ngumiwi sabay kamot sa aking batok. "Wala talaga akong alam na magandang lugar dito sa City. Taga probinsya ako diba?"

"Ang lakas ng loob mong magyaya tapos wala ka naman palang alam." natawa siya.

"Sorry." nag-peace sign ako.

"Let me decide instead."

Agad naman akong tumango.

"Hmmm how about a shopping date, is that okay?"

"Okay lang naman." sang-ayon ko.

Theia started the car's engine and began to drove our way to the nearest Mall. Pagdating namin sa naturang establishment, hinila niya ako sa hanay ng mga luxury stores, specifically sa Gucci store. Nanlaki pareho ang mata ko. Shuta, sandale ang mahal dito!

"Now choose whatever item you want." aniya after naming makapasok sa loob. Napasinghap ako at napakurap-kurap ng ilang beses.

"Ha?"

"I said choose whatever item you want." she repeated.

"P-pero ang mahal dito."

"No it's not. All items here only cost 70k and above."

Napanganga ako. Grabe, ini-only ba naman ang 70k and above? Pang apat na taong tuition fee ko na kaya 'yon.

"Sa iba nalang kaya tayo?" suggestion ko.

"Fine, let's go to Chanel store instead."

"Hindi dyan. Doon tayo sa hindi masyadong mahal."

"Okay, Givenchy or Versace? They sale the cheapest items. Around 30K lang. Doon mo ba gusto?"

"Uhm 'don tayo sa less than 30k."

"Maggie," tinignan niya ako ng masama. "Kung ayaw mong pumili pwes umupo ka nalang dyan, ako na ang pipili ng mga gamit para sayo."

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now