CHAPTER 12

67.6K 1.9K 1.2K
                                    


"Are you sure about this, Ms. Yuson?" tanong sakin ng Dean after kong sabihin dito na hindi na'ko tutuloy sa internship ko sa UK.

"My decision is already final, ma'am. Ibibigay ko na lang po ang opportunity na yan kay Ms. Abigayle Ortiz." sabay tingin kay Gail na kasama ko ngayon.

"Are you willing Ms. Ortiz?" tanong naman ng Dean sa kanya.

"Yes, ma'am. I am willing." mabilis niyang sagot.

"Kung ganon, sige. Maghanda ka na dahil next week na yung alis ninyo ng mga kaklase mo. Make sure to be on time okay?"

"Sige po, ma'am. Makaka-asa po kayo. Maraming salamat ho."

"Walang anuman."

Sabay na kami ni Gail lumabas ng faculty room saka niya ako mahigpit na niyakap.

"Thank you so much, Magic Sarap!" abot langit ang saya niya.

"You're welcome." natatawang sagot ko.

"Shocks, akala ko hindi sila papayag e. Grabe yung kaba ko kanina alam mo ba yun?"

"Sabi ko naman sayo na pwede diba? Qualified ka kasi mataas din yung grades mo."

"Hays buti na lang talaga. Worth it din pala yung stress ko sa mga lessons natin. Makakatung-tong na rin ako sa wakas sa UK. Makikita ko na rin sa personal ang Buckingham Palace. Dream destination ko kaya 'yon."

Natawa ako saka ito inakbayan. "Now that you are all set, ako naman yung samahan mo ngayon."

"Saan ba tayo?"

"Sa office ng Board of Directors. Kakausapin ko lang si Ma'am Maureen tungkol sa RIBC."

"Pwede ba tayong pumasok 'don?"

"Yup. Nakausap ko kanina sa telepono yung student assistant na naka-assign doon, sabi niya pwede naman daw."

"Sure ka nandun si Ma'am ngayon?"

"Nanduon daw sabi 'nong assistant."

"Tara kung ganon."

Mabilis namin tinungo ni Gail ang Board of Director's office sa kabilang building. Mabuti nalang at hindi masyadong matao pagdating namin. Pagbukas ko ng pinto, ang student assistant agad ang nabungaran ko. Tumikhim ako para agawin ang atensyon nito.

"Ano po 'yon?" tanong nito pagkatapos mag-angat ng tingin mula sa monitor ng computer.

"Ako yung tumawag kanina sa telephone."

"Ah ikaw pala 'yon. Ano pong sandya nyo kay ma'am?"

"Tungkol po sa internship ko."

"Graduating ka po?"

"Oo."

"Sige, pumasok ka na."

"Okay salamat." binalingan ko ng tingin si Gail. "Dito ka muna, hintayin mo ako."

"No probs." tumango ito at pasalampak na humiga sa long sofa.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now