CHAPTER 4

56.6K 2.1K 1.4K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars





Maggie



"Sige na, Yen. Babayaran naman agad kita e." pangungulit ko sa'king kaibigan pagkatapos naming lumabas sa classroom.

"Mags, wala nga akong budget ngayon. Sorry talaga hindi kita mapapahiraman." 

"Pleaseee." nag-puppy eyes ako. "Kahit five hundred lang, sige na. Promise next week magbabayad agad ako."

Bumuga ito ng hangin. "Bakit hindi ka sa asawa mo humingi ng tulong?"

Agad akong sumimangot saka nag-iwas ng tingin. "Ayokong humingi ng tulong 'don."

"Bakit naman e ang yaman-yaman 'non? Baka nga mahigit pa sa five hundred ang ibigay 'non sayo eh."

"Ah basta ayoko." pababa na kami galing third floor papunta sa susunod na klase. Padabog akong umupo sa armchair saka kumuwala ng malalim na hininga.

Malaking pera ang kakailanganin ko sa linggong ito para sa nalalapit naming projects na mostly ay sa mga major subjects. Libre nga yung tuition fee, bumabawi naman sa kaliwa't-kanang requirements. Nasa isang public university kasi ako nag-aaral.

Hays nakaka-stress talaga, lalo na't wala na akong income ngayon dahil naka-leave ako ng ilang buwan sa part time job ko bilang cashier/crew dahil sa lintik na hiling ni Theia. Gusto ko sanang lapitan si Sue para dito manghiram ng pera kaso hula kong isusumbong lang ako nito sa 'asawa' ko kaya huwag nalang.

"Pssst magic sarap."

Nilingon ko si Gail na siyang tumawag. "Oh, bakit?"

"May formal attire ka na ba ngayong sabado?"

Mabilis akong umiling at agad namoblema. Jusko, isa pa 'yon. May event kaming mga Broadcast Journalism students sa darating na sabado kung saan kailangan namin magmukhang propesyonal tignan. Puro pants at t-shirts lang ang mga damit ko, walang dress o ano man. Huli na kasi ako sa balita na may pa ganung event kami kaya hindi agad ako nakahiram ng maisusuot. Napaka-malas talaga!

"Pwede bang mag pantalon at long sleeves na lang?" hopeful kong tanong kay Gail.

"Gaga ka, para sa major subject natin 'yon."

Mas lalo akong namoblema.

"Good morning class." bati ng professor sa'min pagpasok nito sa classroom, sabay-sabay sumagot ang lahat maliban sa akin. Nag-umpisa na yung klase.

Nakatitig lang ang mata ko sa labas ng bintana dahil wala ako sa mood makinig sa discussion. Nagising lang yung diwa ko nang kalabitin ako nila Yen.

"Tara tignan natin ang bulletin board kung may mga announcements." yaya nito sakin.

"Uwian na pala?"

"Sabog lang teh?"

"Tara, sasama ako sa inyo." wika ni Gail, nauna na itong lumabas na agad naming sinundan. Sabay kaming tatlong naglakad patungo sa bulletin board ng Arts & Sciences department kung saan doon nag-kumpulan ang ilang estudyante.

Lumapit ako para sa ganon ay mabasa ko ang nakalagay dito, ngunit agad ding bumigat ang kalooban ko nang malamang may fee na namang dapat bayaran. Anuena!

"Required ba talagang bayaran ang Org. Fee?" reklamong tanong ko.

"I think so." sagot ni Yen.

"Mandatory daw eh." segunda ni Gail sabay turo sa naka post-in na papel sa bulletin board.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now