CHAPTER 11

64.4K 1.9K 1K
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Hindi mapuknat ang saya ko habang pasipol-sipol na naglakad patungo sa building ng Estér. Binati ako ng mga nakaduty na guards doon bago dere-deretsong pumasok sa loob at tumigil sa harapan ng private elevator ni Theia at sumakay dito hanggang sa marating ko ang floor ng kanyang opisina.

"Hi!" masiglang bati ko sa secretary niya.

"Magandang hapon po, miss Maggie." magalang na sagot nito sakin.

"Si Theia po, nandyan ba?"

"Nasa conference room pa po si Madam kasama ang mga bisita."

"Hindi pa rin natapos yung meeting nila?" confused kong tanong.

"Iba ho yung ka-meeting niya ngayon."

Di ko maiwasang mag-alala. "Nag lunch ba siya?"

"Opo, nag pa-order siya kanina sakin."

Nakahinga ako ng maluwag. "Sige, dito na lang ako maghihintay sa kanya."

"Pwede ka pong pumasok sa conference room, miss Maggie. Kabilin-bilinan kasi sakin ni Madam na papuntahin kayo duon sa oras ng pagdating mo."

Nasiyahan ako sa impormasyong hatid nito. "Saang banda ba yung conference room?"

"Pakanan po. Yung double door na kulay dark gray malapit sa finance department. Nanduon po siya."

"Okay thank you for the info." lumabas ulit ako saka dali-daling hinanap ang conference room na tinutukoy ng sekretarya. Nang sa wakas nahanap ko na ay dahan-dahan kong pinihit ang sendura ng pinto saka sumilip muna saglit. Agad kong nakita si Theia na may kausap. Anim silang nakapalibot sa oval shaped na executive table at mukhang importante ang pinagusapan ng mga ito. Nag-hesitate akong tumuloy pero sa huli ay pumasok ako at pumuwesto sa gilid.

Marahil napansin ni Theia ang presensya ko dahil lumingon siya sa kinaroroonan ko. She waved her hand at me and smiled the moment our eyes met. I wave back at her and smiled as well. Umupo ako sa malambot na couch saka siya pinagmasdan.

Hays, ang ganda talaga ng asawa ko. Anang isip ko habang tinitigan ang mukha niya. She's so fine and so expensive to look at. Napaka-sophisticated at elegante pa, yung tipong kayang apak-apakan ang buong pagkatao mo. Everything about her screams luxury and power. Kung maihahambing ko siya sa isang gemstone ay malamang isa siyang Diamond, very rich and classy. Mommy vibes rawr.

Ngayon ko lang na-realize kung gaano ka sayang kapag naghiwalay kami. Yung tungkol kasi sa UK isang taon lang yun habang yung tungkol naman sa amin ay isang lifetime commitment. Hihiwalay ko siya ng dahil lang 'don? Huwag na lang!

Kalahating oras akong naghihintay bago natapos ang meeting nila Theia. Hinintay ko munang umalis lahat ng bisita niya bago siya nilapitan.

"Hello." bati ko sa aking asawa sabay halik sa kanyang pisngi. Ang bango naman.

"Hi wife." nakangiting tugon niya.

"Mukhang busy ka ngayon ah." hinila ko ang swivel chair saka umupo sa tabi niya.

"Oo, may upcoming project kasi kami sa susunod na linggo kaya medyo busy ako ngayon." aniya sabay hilig sa kanyang ulo sa balikat ko.

"Magpahinga ka muna, mukhang napagod ka ng husto sa trabaho nyo. Halos buong araw kang nandito tapos late ka pang nag-lunch. Nag-aalala ako sayo."

A cheeky smile formed her lips. "Don't worry, baby, kaya ko pa naman."

Lihim akong kinilig sa baby. "Sana nabawasan ng konti ang pagod mo ngayon, lalo na't nandito na ako." I was grinning while saying that.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now