CHAPTER 7

58.1K 2K 749
                                    

Maggie


Ilang araw ang lumipas, akala ko ay okay na kami ni Theia sa isa't-isa. Pero bakit ganon? Iniiwasan niya ako. She has became distant towards me. Para tuloy kaming bumalik sa dati at ang bigat sa pakiramdam. Daig pang may malaking hollow-block nakaharang sa pagitan namin. May nagawa ba ako? Galit ba siya sa akin? Hindi talaga ako mapakali. Kapag tinatanong ko naman siya kung okay lang ba siya, ang sagot niya lagi, 'I'm just tired from work'

Hindi ako convinced, I was starting to think that it has something to do with our annulment. But whenever i asked her about it, she'll just answered. 'No, i'm just stressed'

Hindi na rin siya sumasabay sakin tuwing almusal at hapunan. Usually kasi sabay kaming dalawa kasama sila Tita Esther at Tito Simon. Now she would just left early in the morning with an empty stomach and come home late in the evening with the phrase 'Nag dinner nako.' o di kaya 'kumain ka na, busog pa ako'

I'm both bothered and confused. Sa totoo lang ayoko ng bumalik kami ni Theia sa dati naming turingan. Gusto ko peaceful ang samahan namin, kaya nandito ako ngayon sa isang flower shop para bumili ng paborito niyang bulaklak. Feeling ko talaga nag tatampo sakin yun e. Nag effort pa akong puntahan si Sue kanina sa apartment nito para lang personal na itanong dito ang tungkol sa paborito niyang bulaklak, and it's a flower named Freesia.

"Miss eto na ho." anang florist sakin. Maganda ang pagkagawa nito sa bouquet. I hope my wifey will appreciate this.

"Tumatanggap ba kayo ng card ate?" tanong ko, na sa akin pa rin ang card na pinahiram ni Theia.

"Opo."

Ibinigay ko sa florist ang card. After bayaran ay dumeretso na ako sa Estér. Sana naman sa ginawa kong 'to ay magbabalik loob na si Theia.

Lulan na ako ng elevator papunta sa kanyang opisina. Hindi ko pinapansin ang napapantastikuhang tingin sa akin ng mga empleyado nang makita nila akong may dalang bulaklak. Binati ko ang secretary niya at nagtanong kung nasa loob ba ang boss nito.

"May bisita pa ho, miss Maggie."

"Ganun ba, sige maghihintay na lang ako dito."

Umupo ako sa isang sulok at inaabala ang sarili sa pagbabasa ng mga nakalagay sa gallery.

Di nagtagal ay bumukas na ang pinto ng opisina ni Theia at lumabas doon ang isang babae, kasama nitong lumabas ang asawa ko at nagtatawan pa sila.

Lihim kong tinignan ang babae. Maganda ito, maputi at kasing tangkad ko. Who is she?

"I'll see you again soon, Jacqui." sabi ni Theia sa babaeng nag-nangangalang Jacqui.

"See you, babe!"

Parang may pumitik sa dibdib ko. Babe??

Palabas na sana si Jacqui nang bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko. She blinked her eyes numerous times before gazing back at Theia na mukhang hindi inaasahan na makita ako.

"Maggie, right?" tanong sa akin ng babae. Medyo nagulat ako. She knows me?

"Uhm, oo." sagot ko.

"Nice to meet you, I'm Jacqui." a teasing smile formed to her lips.

"Ahm hi?" bahagyang umangat isang kilay ko.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now