CHAPTER 3

56.8K 1.9K 1K
                                    


From: Wifezilla 💀
I'm outside your school.

Eto ang text message na-receive ko galing kay Theia pagkatapos ng major subject ko sa kursong broadcast journalism ngayong araw. Alas singko na ng hapon at palabas nako ng gate.

Nakita ko ang kotse niya sa tapat ng malaking tindahan habang naka-upo siya sa hood at naka-cross arms. She looked impatient and irritable. Halos naka tingin sa kanya ang lahat ng mga lalaking estudyanteng dumadaan na obviously humahanga sa gandang taglay niya.

Why is she here anyways? Wala naman akong sinabing magpapasundo ako ah.

"Ba't ka nandito?" agad kong tanong kay Theia nang makalapit. "Kanina ka pa ba?"

"I'm here to pick you up. Baka kasi hindi ka na naman babalik sa bahay." she said in a bitchy kind of way.

"May duty ako ngayon sa fast food restaurant na pinag-tatrabahuan ko. Hindi ako sasama."

"Maggie, diba nasabi ko na rin yan sayo dati? You don't have to work there anymore, I can sustain all your financial needs."

Heto na naman po kami.

"Theia, sinabi ko rin sayo noon, hindi ko kailangan ang tulong mo. I can manage myself."

"Mag-kaibigan talaga kayo ni Sue noh? Ang titigas ng mga ulo."

Nagkibit balikat lang ako saka tumalikod. "Alis nako."

"Don't turn your back on me, you brat. Get in the car."

"May duty nga ako." giit ko sa frustrated na tono.

"Shut up." binuksan niya na ang front door ng kotse. "Get in."

"Theia, seryuso ako. Malilintikan ako ng branch manager namin kapag hindi ako sisipot."

"Tell your manager i will fire him instead. Kilala ko ang may-ari nang fast food na pinag-trabahuan mo. I can easily do that in just one call."

"Grabe..." tanging sagot ko.

"Sakay na." mas niluwagan pa niya ang front door ng kotse.

"Teka lang, kailangan kong humingi ng permiso."

Theia rolled her eyes in annoyance. "Just get inside the car, Margarette."

Fine! Sumakay na'ko sa loob ng sasakyan niya habang naka-simangot. Akma na sana siyang sumunod nang biglang may umagaw sa atensyon niya. Sinundan ko 'yon ng tingin.

It was Sue. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Theia habang nakangiti. They hugged each other tightly, may ilang minuto rin silang masayang naguusap. I can see the adoration in Theia's eyes while talking with Sue. Hindi ko alam kung bakit pero parang naiinis ako. Lumabas na'ko ng kotse saka umalis ng hindi nag-papaalam.

"Mags!" rinig kong tawag sa akin ni Sue, napalingon ako rito. Alam nito ang tungkol sa kasal namin ni Theia.

"Sue." tipid kong sagot sa kaibigan.

"Saan ka pupunta?" she asked.

"May duty ako sa trabaho." tugon ko.

"Aw, yayayain sana kita sa mall ngayon e." anito.

"Next time na lang, Sue. Ge, mauna na ako sa inyo." at naglakad nako palayo.

"Maggie wait!" rinig kong tawag sakin ni Theia, pero hindi ko siya pinansin. Deretso lang ako hanggang sa maka-sakay ng tricycle.






**********
**********



Theia



"Sumasakit talaga ang ulo ko sa kaibigan mong yan, Sue." inis na sabi ko sa step sister ko habang sinusundan ang papalayong tricycle na sinasakyan ni Maggie.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon