Tumahimik ako. Mas sumeryoso ang mukha ko habang pinapanood ko ang lalaki na nanganglang Arsalan. Ibig sabihin pala ay may naiwan pang bakas ng mga Munir sa mundong ito. Tulad ng dati ay medyo nakaramdam ako biglang kumulo ang dugo ko nang malaman ko ang kakarampot na impormasyon na ibinigay sa akin ni Eglantine.

"Binabati ko ang lahat na naririto! Lalo sa mga myembro ng pamilya na nagmula pa sa iba't ibang Imperyo at kabilang sa mga dugong-bughaw hanggang sa mga mamamayan ng Azmar." panimula niya. "Ikinagagalak kong salubungin ang mga panauhin na nanggaling pa sa mga malalakas at mga kilalang Imperyo na tinanggap ang aming paanyaya at naririto ngayon at kasama natin upang ipagdiwang ang aming tradisyonal na taunang kaganapan sa araw ng palakasan! Nais kong ihatid ang mensahe na ito, nawa'y makamit ninyo ang tagumpay at kontribusyon sa larangan ng palakasan." ngumiti siya na tila nasasabik. "Ngayon, nais kong inaanunsyo na sisimulan na natin ang paligsahan!"

Lumakas ang hiyawan sa mula sa mga manonood. Bakas sa mga boses nila na hindi na sila makapaghintay na matunghayan ang laban!

Ang tanging magagawa ko lang ay pumalakpak kahit na medyo naiinis ako. Kung maaari lang ako sumali subalit hindi maaari lalo na't buntis pa ako. Tss. Siguro sa susunod nalang kapag pwede na.

Kasabay na malakas na anunsyo ni Prinsipe Arsalan, kusang umangat ang mga pinto mula sa mga pinto ng arena kung saan papaasok ang mga kabalyero na kasali. Kung ano ang inis na naramdaman ko kanina habang pinapakinggan ko ang mensahe ng prinsipe ng Azmar ay kusa 'yon nabura nang nag-umpisa nang magsilabasan ang mga tao na hinihintay namin! Bigla akong tumayo na ikinagulat ng mga Cairon. "Nesta, Faila, Regie... Ngayon na!" matigas kong utos sa kanila.

"Masusunod po, kamahalan." magalang nilang sagot. Inilabas nila ang dalawang tela na ginawa namin.

Binuklat nila 'yon. Wala akong pakialam kung mawiweirduhan sila basta ipapakita namin sa kanila kung gaano kami kasuporta sa mga komponan namin!

Nakita namin na lumabas sina Otis, Ginoong Arundel, Ceca, Frostine, Ramas at Raymound pati na din ang mga kabalyero ng Thilawiel.

Hinawakan ko ang isa sa mga dulo ng tela saka idinikit ko ang isang palad ko sa isa kong pisngi. "Wooooooooohhhh! Galingan ninyooooooo!!" sigaw ko sa kawalan. Okay, narito ako bilang asawa ng prinsipe, hindi bilang prinsesa na tagapagmana! "Oooooootissssss! Galingan mooooooooo!"

Mukhang dumating sa kanila ang sigaw ko. Sabay silang napatingin sa gawi namin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat nang inangat namin ang dalawang tela na may words of encouragement na gawa namin. Maliban siyempre kina Ramas at Raymound na nakangiti lang dahil kasama ko sila sa paggawa nito.

"Asawa kita kaya alam kong magaling kaaaaaaaaaa!!" sige pa rin ang sigaw ko. Kumakaway ako sa kaniya. "Ipakita mo sa anak mo na malakas at magaling na kabalyero ang tatay niyaaaaaaaaa!!"

Rinig ko ang pagsinghap ng mga kasamahan ko dito sa kinalalagyan ko pero wala akong pake. Lalo na ang mga Cairon, hindi nila akalain kung ano ang ginagawa ko ngayon. Basta todo support ako sa asawa ko.

Kita ko kung papaano namula si Otis sa ginawa ko. Napasapo siya sa kaniyang bibig. Alam kong ginapangan siya ng hiya dahil sa inasta ko. Pero sa huli ay napangiti siya saka kumaway sa akin pabalik. Hindi pa nagtatapos doon...

...Bigla ko siyang binigyan ng flying kiss na muli na naman nila ikinagulat. Ang mas nawindang pa sila ay sinalo 'yon ni Otis at idinikit niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib na matamis na ngiti.

"Kyaaaaaahhh! Ang guwapo mo talagaaa!" tili ko pa.

"Huminahon po kayo, kamahalan." natatawang wika ni Nesta.

Papaano ako magiging mahinahon eh nahahype ako sa mapapanood kong laban!? Lalo na kasali si Otis doon!?

Nahagip ng aking paningin ang mga Eryndor, sina Caldwell at Housti. Ganoon din sina Calevi, Dilston at Ginoong Arundel na laglag na ang mga panga sa kanilang nakita.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGOnde histórias criam vida. Descubra agora