CHAPTER 23

346 8 1
                                    

Pagdating sa school, nagulat ako sa nasaksihan ko.

Si Nerva hawak-hawak ang buhok ni Amber kaya dali-dali akong tumakbo para sana awatin siya pero hindi ko na natuloy dahil bigla na lang sinampal ni Nerva si Amber.

“You bitch, ilang araw kitang tiniis, malandi ka.” sabi ni Nerva saka sinampal na naman niya si Amber. Hayop ka, pati kaibigan ko sinaktan mo, ito ang nababagay sayo.” sabi niya saka sinampal na naman niya kaya napabuntong hininga ako saka lumapit.

“Nerva, tama na.” sabi ko sa malamig na salita kaya napunta sa ‘kin lahat ng atensyon.

“Hindi Sierra, kailangan nito turuan ng leksyon, eh.” sabi ni Nerva, sabay hiltak sa buhok nito at kulang na lang malagas ‘yung buhok ni Amber. Si Amber naman iyak nang iyak pero kung dati ‘yan maawa ako sa kan‘ya, pero ngayon? ang nararamdaman ko lang ay galit.

“Ano ba ginawa kong masama? para ganituhin niyo ako?!” sigaw na tanong ni Amber, kaya nag-init bigla ang ulo ko.

“Hindi mo alam?” tanong ko habang nakatingin nang deretso sa dalawang mata niya.

Umiling lang siya sa sinabi ko kaya natawa ako ng malakas, kaya lahat ng atensyon napunta na naman sa ‘kin. Sa oras na ito wala na akong pakialam sa nakapaligid sa akin.

Sa sobrang inis ko sinampal ko siya, kaya lahat ng tao na nakakita ay nagulat sa ginawa ko.

“Hindi mo alam?!” sigaw na ulit ko, pero iyak niya lang ang narinig ko kaya lalo akong nainis.

“Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi niyo.” sabi niya pa, kaya hindi na ako nakapagpigil at sasampalin ko na sana siya, nang may pumigil sa ‘kin.

Pagkakita ko si Xenar, ang may hawak sa kamay ko kaya lalo akong nainis, inalis ko ‘yung kamay niya sa kamay ko saka umayos ng tayo.

“Oh ano? Ipagtatanggol mo ‘yang babaeng ‘yan?” sabi ko sa kan‘ya kaya napailing na lang siya.

“Please, tama na.” bulong ni Xenar, kaya natawa naman ako.

“Bakit nahihiya ka ba?” tanong ko, nakita ko siyang parang nainis, ewan ko kung ano y‘ung pumipigil sa kan‘ya n‘on, at wala rin naman akong pakialam.

“Please tama na, mag-usap muna tayo.” pagmamakaawa niya sa ‘kin, kaya bumuntong hininga ulit ako, para pigilan ang emosyon ko.

“Hindi pa ba, sa ‘yo klaro ‘yung pinag-usapan natin kagabi?” pagkadiin ko sa sinabi ko kaya napailing lang ulit siya.

“Love, mag-usap naman tayo, h‘wag naman ganito.” pagmamakaawa niya, kaya hindi ko na napigilan, sinampal ko na lang siya.

“‘Yan, para sa panloloko mo.” sabi ko saka sinampal ulit siya. “‘Yan naman, para sa sakit na naidulot mo sa ‘kin.“ sabi ko pero tinatanggap niya lang lahat ng pananakit ko sa kan‘ya. “Hindi lang Boyfriend ang nagloko sa akin, pati ang babaeng ‘yan na tinuring kong kaibigan. Salamat ha? Salamat sa sakit na dinulot niyo sa akin, salamat ha? Salamat kasi nawalan ako ng tiwala sa inyong dalawa!” sigaw ko pa.

“Sierra, tama na.” bulong sa ‘kin ni Nerva pero umiling lang ako.

“Sabi ko sa ‘yo kagabi na, h‘wag na h‘wag ka ng lalapit sa ‘kin, bakit nandito ka na naman?!” sigaw ko pero hindi siya nagsalita.

Intertwined Fates| [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now