CHAPTER 3

539 16 0
                                    

Kinabukasan pagpasok ko dumiretso agad ako sa garden para makapag-isip-isip. Andito ako sa garden at nagpapahinga gusto ko sa tahimik na Lugar kaya ito ang pinili ko, kaso may epal na sumunod sa'kin, napairap na lang ako.

“Sierra, hoy! kausapin mo naman ako, oh!” si Exon 'yan mun'tanga sumunod pa sa'kin, sinabi ko kasi sa kan'ya na break na ‘yung dalawa ta‘s itong asungot na 'to sumunod pa. Sarap sapakin, napairap na naman ako.

“Ano ba Exon? manahimik ka nga masasapak na kita, b'wisit na 'to.” sabi ko sa kan'ya kaya napasimangot naman siya.

Pinipilit niya kasi ako na kung p'wede raw ba na ibugaw ko s'ya kay Nerva, eh ayo'ko nga kakagaling niya lang sa sakit na dinulot ng b'wisit na kapatid niya.

“Okay fine, fO na tayo!” sabi niya na tumalikod pa sa'kin, parang bakla kung hindi ko lang alam na gusto niya si Nerva mapagkakamalan ko na s'yang bakla.

“Siraulo ka talaga,” I sighed. “Sige na sige na, pero subukan mo lang saktan kaibigan ko masasapak talaga kita, b'wisit ka." napahalakhak naman siya sa sinabi ko.

Sobrang saya n'ya 'no? sana all.

Bumalik na kami sa room dahil baka mahuli pa kami sa klase.

***

Nandito ako sa room katabi si Exon at Nerva at itong Exon naman kilig na kilig. Sarap sapakin.

Lumipat na kasi si Nerva sa tabi ko kaya an'dito na siya sa tabi namin, ‘yung b'wisit na Xenar na 'yon an'don sa likod.

Sarap nilang sapakin. Ewan ko bakit galit na galit ako kay Xenar.

Napabuntong hininga na naman ako, kaya napatingin ‘yung dalawa sa'kin, pero umiling na lang ako.

***

Ilang araw ang nakalipas naging maayos na si Nerva, nakakatawa na ulit siya at nakaka-usap ma siya ng maayos 'di katulad nung mga nakaraan na para siyang lutang.

Papasok na sana kami sa room ng harangin kami ni Xenar at tumingin muna siya sa'kin bago kay Nerva.

“Nerva? can we talk?” tanong nito kaya Nerva. Tumingin muna sa'kin si Nerva na parang nagpapaalam kaya naman tumango na ako at saka umalis na.

Papaalis pa lang ako pero naririnig ko pa rin 'yung pinag-uusapan nila.

“Anong pag uusapan natin?” tanong ni Nerva.

“Can we just be friend?” sabi nito at hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil nakalayo na ako.

Pumasok na ako sa room at umupo na parang wala sa sarili.

“Hey, an'yare sa'yo?” tanong ni Exon sa'kin kaya naman napatingin ako sa kan'ya at saka umiling.

“Wala.” I whispered.

Paanong wala?” pangungulit nito sa'kin kaya napapikit ako ng mariin at saka bumuntong hininga.

“‘Yung crush mo kasama ang kuya mo.” sabi ko naman at tinignan ang reaksyon niya.

Intertwined Fates| [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now