CHAPTER 22

347 7 0
                                    

Hindi muna ako pumasok pero pinuntahan pa rin ako ni Nerva, kasi umuwi agad ako kahapon kaya hindi ko na nasabi sa kan‘ya tungkol sa nangyari, kaya pinuntahan na lang daw niya ako para malaman niya.

“Ano ba kasi nangyari?” tanong niya kaya napaluha na naman ako.

So, 'yon kin‘wento ko lahat ng nangyari kahapon, pati ‘yung kay Gomer hanggang sa hinarang ako ni Xenar.

“Sabi na, eh h‘wag kang mag itiwala kay Amber, una pa lang alam ko na tunay na kulay niya ugh, kairita kapag nakita ko siya masasaktan talaga siya.” gigil na sabi niya kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Tama naman siya h‘wag dapat tayo agad magtiwala agad-agad lalo na kung kakakilala mo lang.

“Ayos ka lang?” Tanong ni Nerva pero umiling lang ako kasi hindi naman talaga ako ayos. “Teka, bakit nando‘n si Gomer?” tanong niya, napaisip din ako.

“Oo nga 'no? Ewan ko kung anong ginagawa niya doon.” sabi ko na lang, pero nagtataka rin ako kung bakit siya nandoon.

“Sierra makikipagkita ka ba talaga sa kan‘ya mamaya?” she asked me so, I froze for minute, but I actually spoke to her.

“Oo, kailangan.” sabi ko naman kaya nakita ko siyang umirap.

“Kaya mo ba?” she asked.

“Kakayanin.” I shortly said, and I heard she sighed deeply before she spoke again.

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong niya kaya agad din akong umiling sa sinabi niya.

“H‘wag na, ayos lang ako. Tatawagan na lang kita kapag nagkaproblema.” sabi ko naman kaya hindi niya na lang ako pinilit at tumango na lang.

Dito ulit matutulog si Nerva dahil gusto niya raw ako samahan at tignan na rin kung okay lang ako.

Naghintay muna ako ng ilang oras bago ako nag-ayos para pumunta sa park.

Nang makapag-ayos huminga muna ako ng malalim, bago tumingin sa salamin kung ayos lang ‘yung mukha ko ngumiti muna ako bago umalis, nagpaalam muna ako kay Nerva na aalis na ako, gusto niya pa sana akong ihatid pero hindi ako pumayag, kaya wala siyang nagawa at humiga na lang sa kama ko at nanood na lang.

Pagdating ko sa park nakita ko si Xenar nakaupo sa lapag habang nakayuko, pero nang mapansin niyang dumating na ako agad siyang umayos ng tayo at saka ako yinakap pero hindi ko siya yinakap pabalik. Bumitaw din siya nang maramdaman niya na hindi ako yayakap sa kan‘ya.

“Love, may problema ba tayo?” tanong niya pero hindi muna ako nagsalita at tumingin lang sa kan‘ya. “Love kausapin mo naman ako, oh.” he pleaded.

I sighed deeply, “Kailan pa?” unang tanong ko na ikinataka niya, “Kailan mo pa ako nagawang lokohin?” tanong ko habang pinipigilang umiyak.

Nakita ko pa siya umiling sa sinabi ko. W-what do you mean?” tanong niya

“Wow, Xenar nagka-amnesia ka yata bigla? baka gusto mo ipaalala ko sayo kung paano ka hinalikan ni Amber.” sabi ko na ikinatulala niya. “Oh, bakit hindi ka makapag salita d‘yan? so, totoo nga na niloloko mo lang ako?!” sigaw ko sa kan‘ya. “Noong... Noong panahong lagi kang wala? Siya talaga kasama mo ano?” tanong ko kaya napatigil siya, dahil sa reaksyon niya ay natawa na lang ako. “Siya nga?! Wow naman Xenar, may Girlfriend ka na nga, tapos may sinasamahan ka pang iba? Hindi pa ba ako sapat?!” sigaw ko, hindi ko na mapigilan ang emosyon ko kaya umiyak na ako sa harap niya.

Intertwined Fates| [COMPLETED✓]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt