Chapter 20

36 3 0
                                    

Chapter 20

Liwanag ng sikat ng araw ang unang sumalubong sa mukha ko kaya medyo napangiwi ako ng kaunti dahil tumama iyon sa mata ko na bagong gising lang.

Naging maayos ang dinner namin kagabi. Nawala lahat yung awkward moments and feels na nararamadaman ko kapag nandyan ang presensya niya.

Napangiti ako ng maalala ang mga napag-usapan namin kaso bigla naman itong nawala ng muling magflashback sa akin ang mga sinabi niya kagabi.

Flashback~

"Anong balak mo kapag College ka na?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

Tinapos niya muna ang pagkain na nasa loob ng bunganga niya saka nagsalita.

"Engineering ang kukunin ko kung papayagan ako... and probably marrying... dahil excited sila Mom at Dad na magkaapo." natatawa niyang sabi.

"Marrying... probably si Maureen yan no?" nakangiti kong pang-aasar sa kaniya na walang tinginan dahil kunwari busy ako sa pagkain.

"I don't know..." sagot niya na nagpatingin sa akin at napakunot ang noo sa kanya. Lumipas ang ilang segundo bago sya sumagot.

"Ewan? akala ko ba matagal na kayo? ang pagkakaalala ko 2 years and almost a half ang tagal ng relasyon niyo? tapos nung nag-usap tayo dun sa rooftop ang sabi mo sure ka sa kanya, bakit parang hindi ka na ngayon sigurado sa kaniya?" taka kong tanong sa kaniya.

Bigla namang tumahimik ang paligid at agad kong napagtanto ang mga sinabi ko.

"Ay, sorry, masyado na palang private yung tanong ko... kalimutan mo nalang iyon." paghingi ko ng pasensya saka tumungo at nagkunwaring kumain muli.

Nakita ko naman siyang tumango tango at tinuloy ang pagkain niya.

Ano ba yan Ada! bakit mo naman kasi tinanong iyon?

Medyo naging awkward ang paligid matapos ang pag-uusap na iyon. Pero nagsalita naman siya kaya medyo nabawasan.

"Ikaw, anong balak mo sa College?" tanong niya sa akin.

"Sa Medical ako pero hindi pa ako 100 percent sure baka kasi mauna ako kesa sa matapos ko yung mga course na yun..." tumawa naman ako at napatingin ako sa kanya at nakita ko rin naman siyang tumawa. "Siguro pagkatapos nun, trabaho, trabaho, trabaho na."

Tumango tango lang siya saka nagsalita ulit.

"Wala kang balak magpakasal?" tanong niya sa akin na nagpalaki ng mga mata ko.

Kinalma ko naman agad ang sarili ko at saka nagsalita.

"Ewan, kapag dumating yung tamang panahon at tao na iyon, saka ko na iisipin iyon, pagtulong lang talaga muna sa mga magulang ko ang medyo priority ko ngayon." nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla na namang natahimik ang paligid at saka namin pinagpatuloy ang pagkain.

Marrying...

Hirap, masyadong mabigat.

End of Flashback~

Nagligpit na ako ng pinaghigaan ko saka pumunta sa cr para maligo at makababa na dahil may pupuntahan ako ngayong araw.

——

"Ada libre mo 'to ah?" sabi sa akin ni Van na medyo may pang-aasar.

Tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"Ikaw ang aalis di ba? ikaw manlilibre 'no!" sagot ko sa kaniya.

"Exactly! Ako ang aalis, dapat ikaw naman ang manlilibre."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon