Chapter 16

19 7 0
                                    

Chapter 16

Ngayong araw ang final exams namin at medyo kinakabahan ako na ewan, hindi ko alam kung bakit, kumuha na rin naman ako ng finals dati pero wala namang kasamang kaba iyon. Weird.

Nasa room na ako at nakaupo, inayos na ang mga upuan namin kahapon, na magkakalayo sa isa't isa kasi kukuha kami ng test, meron ding upuan sa labas ng room namin, hindi kasi kasya lahat sa loob.

Hindi na ako nag-aral at nagpuyat kagabi dahil mawawalan lang ako ng energy at baka mastress lang ako kapag nasa harapan ko na yung test.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang iba kong mga kaklase na nagbabasa pa nung notes nila, at halatang stress na.

Tinignan ko si Van, nagbabasa din siya at halatang stress na rin dahil nakakunot ang noo nito.

Kahit pinipigilan ko, napadako ang tingin ko dun sa lalaking mayabang, hindi siya nagbabasa pero nakakunot ang noo at diretso ang tingin sa board sa harapan.

Makalipas pa ang ilang minuto, ng dumating na ang na assigned sa amin na teacher at pinabigay ang questionnaires at answersheets, Set A and B ang ginawa sa amin kaya hindi ko pwedeng kopyahan yung katabi ko, na dapat hindi naman talaga.

Ganda nung una naming subjects, which is Math and Science.

Ayos.

Science ang napunta sa akin, inaral ko naman ito nung mga nakaraang araw, baka may masagot naman ako rito kahit na papaano.

Isang oras at kalahati lang kada test ng isang subject ang ibibigay sa amin na panahon para magsagot at medyo nakukulangan ako doon pero wala naman akong magagawa kaya nagsagot nalang ako.

Apat na test ang kailangang masagutan namin ngayong araw at yung iba naman, bukas pa kaya sandali lang kaming nasa school at meron pa kaming time para magliwaliw, ang plano namin ni Van ay pupunta kami ngayon sa mall dahil ayaw pa naming umuwi.

Natapos ang ilang oras at natapos din kami sa test.

"Ano sagot mo dun sa number 32 sa Science Ada?" tanong sa akin ni Van pagkalapit pa lang sa akin.

"Ano ba 'yung tanong doon? hindi ko na maalala." sagot ko.

Nag-isip naman siya sandali at saka sumagot.

"What is the universe made of daw, yun ang pagkakaalala ko." sagot niya.

"Normal Matter, Dark Matter, at Dark Energy, ang sagot ko doon." sagot ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Yung Normal Matter lang ang nilagay ko doon, akala ko kasi isa lang yung hinihingi, wala naman kasing sinabi na 'Give the three.' napakascam nun." nakabusangot niyang sabi.

"Malay mo bigyan ka ng point kahit yun lang ang sinulat mo." pagbibigay ko sa kanya ng kahit na papaanong encouragement.

Pumunta na kaming parking lot ni Van para dumiretso sa mall.

Sinabi ko roon sa lalaking mayabang na hindi ako sasabay dahil may lakad kami ni Van, tumango tango lang naman siya, feeling ko may date iyon, kasi ang pagkakaalam ko ngayon din ang finals nung girlfriend niya dahil parehas lang naman kami ng lugar (City) nung pinagtayuan ng schools namin.

Bumuntong hininga ako saka inalis sa isip ko yung taong iyon dahil mawawalan ako ng gana.

Una naming pinuntahan ni Van ay yung bookstore dahil magtitingin kami doon at kung may magustuhan, bilhin na.

Wala naman akong nabili masyado dahil nagtitipid din ako dahil dun sa higit sampung libo na ginastos ko, masyado akong natrauma. Char.

Si Van naman, nakapuno na ng isang shopping cart, mayroong ibat ibang klase ng papel, pens, pencils, folder, at iba pa, kaya nanlaki ang mga mata ko.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now