Chapter 17

28 6 0
                                    

Chapter 17

Matapos ang final exam namin, nagkaroon kami ng dalawang linggong bakasyon, at masaya iyon.

Napagdesisyunan ng pamilya namin na magbakasyon sa El Nido, Palawan dahil wala rin naman kaming gagawin sa bahay at para daw makaexperience kami ulit ng nature.

Nasa Van ako ngayon at nakasoundtrip na may kasamang paglalaro ng candy crush, at kasalukuyan kaming papunta sa hotel na pag-iistayan (pag-iisteyan) namin ng limang araw.

Medyo hindi maayos ang tulog ko at bangag din ako dahil hindi naman ako sanay na matulog sa eroplano, saka na lang ako matutulog kapag nakarating na kami ng hotel.

Matapos ang dalawa at kalahating oras ng biyahe, nakarating na kami sa hotel, tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang alas onse na ng gabi.

Binigay sa akin ni Daddy yung number at susi ng magiging room ko, kaya dumiretso agad ako doon at ng makita ang kama saka ako patalon na humiga roon.

May tig-isa kaming kwarto ni Dustpan, at si Sienna naman, nandoon sa kwarto nila Mommy at Daddy.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako pagkahiga ko palang sa kama, ganon ako nakukulangan sa tulog.

Kinabukasan~

"Ate dalian mo raw diyan sabi ni Mommy!" rinig kong sabi sa labas ng may pintuan ko.

"Oo na!" sagot ko na pasigaw din dahil medyo malayo ako sa pinto.

Masyado namang nagmamadali ang mga tao ngayon. Tsk.

Bumaba na ako ng hotel, dala dala ang phone ko, nakakainis nga e, naiwan yung polaroid camera ko, parang ayaw magpagamit.

Pumunta na ako sa cottage kung saan sila nandoon, si Mommy, naghahanda ng mga pagkain, nagtaka pa ako, bakit ganon karami iyon, e lima lang naman kaming kakain doon, si Daddy, nakaupo lang at may kausap sa phone, yung dalawang kapatid ko naman nandoon sa may tabi ng dagat at gumagawa ng sand castle.

Umupo muna ako dun sa cottage dahil wala naman akong balak magswimming, at makikita naman agad iyon sa suot kong boho beach dress na lagpas ng kaunti sa tuhod at nakasombrero pa sama mo na nakashades ang ate niyo.

Ang kasama lang sa beach bucketlist ko ay makita ang sunset, makapagsulat sa sand, maglakad lakad sa tabing dagat, bumili ng souvenirs at pasalubong kay Van dahil iyon ang bilin niya sa akin, at lastly picturan ang mga alon sa dagat.

Mamaya ko nalang sisimulang gawin yung beach bucketlist ko dahil tinatamad pa ako at gusto ko munang kumain bago magliwaliw.

Nakasandal lang ako sa inuupuan ko at nakapikit ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Kumpare!" rinig kong sabi at sabay tawa, kaya napadilat ako ng mata.

Bakit nandito yung nga nagulang nung lalaking mayabang? tapos baka kasama din siya, hala ka!

Nagtanggal ako ng sunglasses saka tumayo para batiin sila dahil bigla akong kinalabit ni Mommy.

"Magandang Araw po." bati ko dun sa mga magulang ni lalaking mayabang. Hindi ako sanay na tawagin siyang tito dahil hindi naman kami magkamag-anak, mas lalo namang Daddy dahil mahalata ako na patay na patay na dun sa anak niya at gumana yung plano nilang '7 Months'.

"Magandang Araw din hija, kung hinahanap mo si-" naputol ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita.

"Dad, swimming na muna ako! bye." rinig kong sabi ni lalaking mayabang na galing sa bandang likuran ko kaya bigla akong nanigas. Nakita ko pa ang perpekto niyang likod habang tumatakbo kaya medyo napatitig pa ako dun hanggang makarating siya sa dagat.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now