Chapter 11

23 8 0
                                    

Chapter 11

"1,2,3, Smile!" sabi ko sa mga kaklase ko na nagpapicture bago magperform.

Kinuhaan ko sila ng litrato para sa documentary na napag-usapan namin ni Maam Hidalgo.

Ngayong araw namin pinagdiriwang ang Science Month na Foundation Day din ng school namin kaya may mga pa tent sila na nagbebenta ng kung ano ano, gaya ng pagkain, souvenirs, etc. in short parang naging Enchanted Kingdom or MOA ang school namin, sa quadrangle lang naman ang location nung event kaya may limit yung dami ng stores at tao.

Nag-ikot ikot pa ako sa quadrangle para kumuha ng litrato, feeling ko mapupuno ang disk ng camera ko dahil alas-dos palang, mayroon na agad akong 20 pictures e hanggang mamaya pang alas-otso matatapos ang event.

May sasayaw, may kakanta, etc. may patugtugan pa daw kapag dumating na sa alas syete ng gabi, yung may music tapos makikijamming yung audience.

Tinitignan ko lang ang litrato na nakuha ko kanina ng makita ko sa gilid ng mata ko na papunta sa gawi ko si Van, at saka siya tumabi sa akin.

"Ganda natin ngayon ah?" nakita mo na si Khade?" sabi niya sa akin na may halong pang-aasar na tono sa tabi ko.

"Maganda naman talaga ako Van, hwag mo ng ulit-ulitin, tsaka malay ko ba kung nasaan iyon, hindi naman kami sabay kanina." simpleng sagot ko sa kanya at nagpicture ulit.

"Wala man lang thank you sa compliment? uso ibalik iyon Ada, tsaka wag kang masyadong masungit, nagmumukha kang bitter." sarkastiko niyang sabi sa akin.

"Edi thank you sa compliment, blooming ka this day, O nabalik ko na ah?" sarkastiko ko ring sagot sa kanya.

Pinalo niya ako at saka tinignan ng masama, binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin dahil dun sa palo, umirap lang naman siya.

Nasa tabi ko lang si Van na tahimik, at mukhang may iniisip kaya tinanong ko siya.

"Mukang malalim iniisip mo ah? ano yang nasa isip mo kaibigan?" tanong ko sa kaniya.

"Wala." nakasimangot niyang sabi habang nakatingin sa kung saan kaya tinignan ko rin yung tinitignan niya, napairap nalang ako dahil sa nakita ko, si Dylan at si babaeng ipis na todo kapit pa na parang linta, e ipis nga siya.

Umiling iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkuha ng mga pictures.

Ilan pang minuto ay nagsimula na ang event at nagsalita na rin ang emcee kaya pumunta ako sa harapan para kuhaan siya ng picture, si Van naman bumalik na sa grupo ng section namin, hindi ko alam kung magpapractice pa sila bago magperform or hindi na dahil baka mapagod lang sila at mabawasan ng energy.

May nagsalita lang na ibang teachers bago tuluyang magsimula ang event, gaya ng emcee na nagsalita kanina, kinuhaan ko rin ng pictures ang mga teacher na nagsalita.

May advantage din pala ang pagkuha ko ng pictures dito, pwede ako makapasok sa loob ng barriers kaya mas maayos kung mapapanood ang mga magpperform.

Habang umaandar ang oras, mas dumadami ang tao, at mas lalong nalalapit ang oras ng pagpperform nila Van.

Nagsimula ng magperform ang juniors na nakita namin sa quadrangle noon na nagpapractice, pare-parehas sila ng suot, at halata talagang pinag-effortan at pinatahi ang costumes nung iba.

Sabay-sabay naman yung sayaw nila, kaso natatawa ako kasi yung mga dancers sa likod medyo struggling, pinipilit kong pigilan ang tawa ko dahil baka may makakita sa akin at sabihan ako ng masama ang ugali.

Tinuloy ko nalang ang pagkuha ko ng pictures para mabawasan ang chances ng pagburst ng tawa ko rito.

Sama ng ugali mo Ada!

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now