Chapter 15

20 7 0
                                    

Chapter 15

Wala kaming klase ng tatlong oras sa pang umagang classes, may isa kaming subject na pumasok kaya nagamit ang unang dalawang oras ng araw, nasa library kami ngayon ni Van para mag-aral dahil nga nalalapit na ang final exams at ayaw naman naming mabokya kaya napilitan kaming mag-aral.

Ayaw naming pumunta sa quadrangle ni Van dahil mainit at tirik ang araw, at mangingitim kami doon, ganon kami kaarte. Okay na sa library dahil tahimik lang at may libreng aircon pa.

"Paano ito Ada?" rinig kong tanong sa akin ni Van sa tabi ko kaya napadako ang tingin ko sa tinuro niya.

"Ewan, hindi naman ako matalino bakit ka nagtatanong sa akin, kay glegoo ka pumunta." sagot ko sa kaniya saka bumalik sa pagbabasa ko.

"Hindi matalino? ang tataas nga nung grades mo e, masyado kang pahumble Ada!" inis na may may halong pagbibiro na sabi niya.

"Alam mo Van, hindi ako matalino, ang dahilan lang kung bakit ako nakakakuha ng maayos na grades dahil masipag ako sa paggawa ng requirements." walang tinginan na sagot ko sa kaniya.

Tumahimik siya ng ilang segundo saka nagsalita ulit.

"May point ka naman, kay glegoo na nga lang ako magtatanong. Hmmp!" pagsang-ayon niya sa sinabi ko.

Umalis siya sa harapan ko saka pumunta run sa computer station nung library para mag glegoo nung tinatanong niya sa akin na hindi ko alam kung paano, math kasi iyon at kapag math, maraming formulas ang kailangang sauluhin at hindi naman ako ganon kasipag para gawin iyon.

Requirements nung ibang subjects kaya ko pa pero yung solutions, umalis ka sa harapan ko.

Pero dahil may exam din kami sa math, kailangan ko pa ring gawin iyon for the sake of my grades!

Bumuntong hininga ako saka tinuloy ang pagbabasa ko.

Makalipas ang isa't kalahating oras na nandodoon kami sa library at nag-aaral saka kami umalis at dumiretso sa Cafeteria dahil time na din naman ng Recess namin.

Kumakain lang ako ng biglang may maalala, kaya napangisi ako ng wala sa oras.

"Van, kamusta lakad mo kahapon?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Bahagya siyang nagulat at saka napatingin sa akin ng ilang segundo.

"M-Maayos naman." kabado niyang sagot saka ngumiti ng maliit.

Umiling-iling lang ako saka siya tinignan ng makahulugan, yung tingin bang 'hindi ako kumbinsido sis'

Tinignan niya ako ng nakataas ang kilay bilang pagsagot sa tingin ko.

"Alam ko ang naging lakad mo kahapon Vianne." nakangisi kong sabi.

Pinalo niya naman ako kaya tinignan ko siya ng masama.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin iyon Vianne Jade? nakikipagdate ka na pala ngayon, pumapag-ibig ka na ha!" pang-aasar kong sabi sa kaniya.

"Are you out of your mind Ariada Coleen?! hindi iyon date, napilitan lang akong pumunta doon dahil may kikitain akong tao." pikon niyang sabi at ramdam ko na agad yung panggigil niya dahil sinabi na niya ang buo kong pangalan.

"Anyare?" interesado kong tanong.

"Hinihintay ko yung kapatid ko, yung si Ate Daf, tapos biglang dumating yung lalaking iyon at nakiupo dahil may tinataguan daw siya, ewan ko ba dun." pagpapaliwanag at depensa niya laban sa paratang ko.

"Baka yun na yung destiny mo! nakuha mo ba yung name? address? number?" pang-aasar ko ulit sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama saka umatungal na parang leon.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon