Chapter 1

41 8 0
                                    

Chapter 1

"Miss Guevarra, please stand up." sinabi ng prof namin.

Nakita ko naman tumayo si Van, bestfriend ko, lumingon ako sa pwesto niya at base sa nakikita ko, kinakabahan siya at pinapawisan, alam kong kaya yan ni bes dahil sabay kaming nag-aral nung mga nakaraang araw at kagabi.

"Here is my question for you, What is microbiome?"

Napaisip ako sa tanong ni Maam, alam kong alam yan ni bes.

Tinignan ko siya, at nakita kong huminga muna siya ng malalim bago sumagot sa guro.

"Microbiome is the sum total of all the microbes that live in and on the human body, including viruses, fungi, archaea, and bacteria."

Nakita ko namang napatango si Maam sa isinagot ni Van at sinenyasang umupo na.

Tumingin muli ako kay Maam na nagtitingin sa nga index cards namin, I hate index cards like duh! it gives me so much pressure and I can't take it, kaya kumalma nalang muli ako upang hindi na masyadong kabahan.

I sense na ako ang susunod matapos ni bes, I can feel it.

"Miss Valdez, please stand up."

Sabi na nga ba e, matapos masabi ang pangalan ko lumabas ang tagaktak na pawis na kanina ko pa pinupunasan dahil hindi man lang naubos-ubos, kaya agad ko itong pinunasan at tuluyan ng tumayo.

"Here is my question for you, give 3 types of bacteria and their descriptions."

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba at masagot ko ng maayos ang tanong ni Ma'am.

"First, Pseudomonas syringae, It has a protein on its surface that mimics that structure of an ice crystal, acting as template for other water molecules to latch onto. Next, Salmonella typhimurium, the food-poisoning bug, Last, Wolbalchia spp, Wolbachia has a number of tricks up its membrane for making sure that it's passed on from parent to offspring, from rendering a host asexual to killing off an entire gender."

Sumulyap ako sa aming guro at nakita kong bahagya siyang nagulat, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Tumingin siya sa akin at sinabing...

"Very good Miss Valdez, hindi ko akalaing masasabi mo ng tama ang pronunciation ng examples mo, mahirap sabihin iyang mga salita na yan dahil parang gawa gawa lang dahil sa mga letra, marami akong naging estudyante na mali ang pronunciations ng mga salitang iyan, You may sit now."

Medyo hindi ko expect yung sinabi ni Maam, buti nalang nagtanong ako kay tita kung anong pronunciation nung mga yon, She's a microbiologist kaya sa kanya ko naisipang itanong iyon.

Grabe yung relief nung paupuin na ako ni Ma'am, para akong nabunutan ng tinik matapos ang recitation na yon. Napangiti nalang ako ng bahagya.

Tuloy-tuloy ang pagpaparecite ni Ma'am hanggang sa matapos ang klase. 2hrs din ang tinagal ng graded recitation namin.

"Very good Class, halos lahat sa inyo ay nakasagot sa mga tanong ko ng walang problema, at napag-iisipan ko kayong gamitin sa demo ko, ayos lang ba sa inyo iyon?" nakangiting tanong ni Maam sa amin.

Ewan kung okay yun dahil sigurado akong marami kaming aaralin at paghahandaan sa demo, maraming adjustments ang gagawin namin dahil may mga manonood na higher rank teachers, at nakakakaba yon.

Tumingin ako sa paligid ko at sa mga kaklase ko, nakita ko yung iba na nag-aagree at yung iba naman kasama ako, ay nag-aatubiling pumayag pero hindi namin pinahalata iyon, kapag nagdemo yung teacher sa isang section, may extra grades or exemptions iyon, kaya nakakatuwa rin. Kaya wala na kaming ibang magagawa kundi pumayag kay Maam.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now