Chapter 3

35 8 0
                                    

Chapter 3

"Ada, may nakalimutan pala akong sabihin sayo yung about dun sa naging plano ng klase kahapon tungkol dun sa performance, Tuesday, Thursday, at Sunday daw ang practice, magsisimula next week at alam mo ba si Khade ang magiging dance instructor natin, alam mo naman background niya tungkol sa sayaw, gwapo niya Ada!"

"Hindi ako kasali sa performance Van." ang sagot ko sa kanya.

Agad ko namang nakita ang nagtatanong na mukha niya, nakakunot ang noo.

"Ha? bakit naman 'di ka kasali?"

"Kasi nga ako yung naassigned na magdocumentary sa mga performance at other happenings about the Science Month/Foundation Day."

Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko, may pahawak pa ng bunganga, angdaming alam nitong babaeng ito. OA din.

"Hindi nga, totoo ba yan?"

Tumango nalang ako at tsaka siya binigyan ng ngisi.

"Hala, ang daya mo naman, dapat sinali mo ako para di rin ako kasali sa sasayaw. Ayy okay na rin pala na hindi mo ako sinama, palagi ko namang makikita si Khade My loves."

Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin, hindi niya ba alam ang pinagsasabi niya. My loves daw. Eww.

"Hoy babae, may girlfriend na yon di ba?, wag ka ng makisali doon may nauna na at pangalawa, may crush ka doon sa ibang section di ba?"

Napataas ang kilay niya at biglang nagsungit.

"Una sa lahat, hindi ako makikisali sa kanilang dalawa at pangalawa, may girlfriend din yung crush ko kaya tinigilan ko na, kaya naghanap nalang ako ng iba, may nakita ako kanina, mas gwapo."

Umiling nalang ako sa pinaggagawa at pinagsasabi niya.

"Gusto mo akong samahan mamaya?" tanong ko sa kanya ng mawalan kami ng topic na pag-uusapan.

"Yung babae kahapon yun di ba?, sige sama ako, gusto ko siyang kamustahin at makilala.

Tumango nalang ako at tsaka kami bumalik sa classroom dahil malapit ng matapos ang time ng break.

Tinignan ko ang upuan nung lalaking mayabang, at nandoon siya, as usual
wala na namang ekspresyon ang mukha na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

Wait what? Did I just call him Handsome?

Nakakunot ang noo ko na nakatitig sa kanya at bigla nalang siyang lumingon sa gawi ko at biglang ngumiti na parang ewan kaya umiwas agad ako ng tingin.

Sa akin ba yun ngumiti? or may dumaan lang na tao sa likod ko? Wag tayong masyadong assumera.

Pero infairness ah, pantay yung ngipin niya, endorser ata yun ng adhesive cream sa ngipin. Bigla ako nainggit sa ngipin niyang pantay, umiling nalang ako sa mga naiisip ko.

Nagtaka ako kung bakit ang tagal naman dumating ng prof namin, feeling ko wala yon, nagmeeting kung saan, pero sana nga wala last to the second subject naman namin siya.

Bigla namang tumayo ang presidente namin at sinabing walang teacher hanggang last subject dahil may meeting daw sila.

At nagdiwang naman kami.

Nakita kong lumabas yung lalaking mayabang, may pupuntahan ata, nakita ko yung mukha niya na may malaking ngiti at parang naeexcite. Nagtaka ako pero hindi nagtagal iyon dahil wala naman akong paki.

Lumipat at lumapit sa akin si Van at biglang sinabi ang hinaing at problema niya.

"Alam mo ba bes, may girlfriend din yung kakakita ko lang kanina na pamalit, bakit lahat nalang ng nagiging crush ko may gf."

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now