Chapter 8

22 8 0
                                    

Chapter 8

Monday na naman and as usual may pasok na naman. Maaga akong nagising dahil ngayong araw kami magsisimulang magjogging ni Van para sa pampayat namin, lalo na siya dahil sasayaw pa siya sa Science Month/Foundation Day.

Lumabas ako ng bahay na wala pang masyadong tao dahil 4 palang ng umaga, at dahil batugan ang mga tao ngayon, alam kong tulog pa sila ngayong oras. At sino ba kasing matinong tao ang gigising ng 4 am? at dahil nagising ako ng 4 am hindi ako matinong tao, O diba, sariling logic ko napunta sa akin. Tsk.

Ang usapan namin magkikita kami sa park ng subdivision kaya pumunta na ako doon, inaasahan kong nandoon na siya dahil siya ang excited na excited magjogging dahil malamig daw ang paligid kapag madaling araw at makakapagliwaliw pa raw siya sa mga natitira niya pang oras.

Pagdating ko doon, wala naman si babae, kaya tinawagan ko siya. Makalipas ang ilang minuto sumagot naman siya.

"Ano na babae, nasaan ka na?" pagbati ko sa kanya sa telepono.

"Hmm.. Ada, wag kang maingay masyado, ano bang kailangan mo?" mukhang kakagising niya lang ah?

"Hoy! ang sabi mo magkikita tayo dito sa park para magjogging." pagpapaalala ko sa kanya.

"AY! oo nga pala, sa susunod nalang natin ituloy ang jogging, tinatamad at inaantok pa ako. Bye." pagpatay niya sa tawag.

Bastos nung babaeng yun, hindi man lang ako pinagsalita basta nalang binaba ang telepono.

Wala akong nagawa kung hindi magjogging mag-isa, napakascam nung babaeng yun, bahala siya riyan kapag hindi siya pumayat bago magperform sa Science Month, tatawanan ko talaga siya kapag ganon ang nangyari.

Nilibot ko ang buong subdivision sa may part ng tinitirhan namin, dahil masyado ng malaki ang ibang part ng subdivision kung isasama ko pa yon, baka abutin pa ako ng pagsikat ng araw hindi ko pa rin tapos libutin iyon.

Natapos akong magjogging ng isang oras at napagpasyahan ng umuwi.

Di ko talaga papansinin yung babaeng yun pagkatapos niya akong iwan sa ere, gumising gising pa ako ng maaga.

Nakarating ako sa bahay at naabutan kong naghahanda na si Manang Nelia para sa padating na umaga. Kinausap ko siya konti at tsaka nagpaaalam na.

Pagkarating ko sa kwarto, dumiretso na akong banyo para maligo at makapagpalit na ng damit dahil basa na ng pawis galing sa jogging. At pagkatapos nun, mayroon pa akong natitirang 3 oras bago magsimula ang klase ko kaya nagliwaliw muna ako at nag-isip kung sasabay ba ako sa lalaking mayabang o hindi.

Matapos ang ilang oras ng pag-iisip, napagpasyahan kong pumasok ng maaga, bumaba na ako at naabutan kong nagluluto na ng breakfast si Manang Nelia, binati niya ako at binati ko rin siya at tsaka siya nagyayang kumain.

"Manang Nelia..." pagtawag ko sa kanya.

"O ano iyun Anak? parang balisa ka, ano ang iyong problema?" pagtatanong niya sa akin na may tonong pag-aalala.

"Paano niyo po ba malalaman kapag may nararamdaman ka na po sa isang tao?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Alam mo Anak, simple lang naman ang sagot diyan sa tanong mo, una, kapag bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit siya sayo, pangalawa, kapag hindi mo namalayang ilang oras ka na palang nakatitig sa kanya, yung parang nababaliwala lahat nung nasa paligid mo kasi tutok ka sa kanya, panghuli, kapag may nararamdaman kang sakit kapag nakita mo siyang masaya sa iba. Kapag naramdaman o naranasan mo ang lahat ng tatlong iyon, malaki ang posibilidad na gusto mo na siya." sabi niya sakin habang nagbabalat ng patatas sa kamay niya at may ngiti sa labi.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now