Prologue

118 9 0
                                    

Prologue

"Hoy! mga tao rito, sino yung tiktik na nabalitaan kong nagkalat ng pinag-usapan natin sa gc? akala ko ba pamilya tayo rito?" rinig kong gigil na sigaw ng aming presidente sa buong classroom.

Actually, nanggigil din talaga ako kung sino man yung tiktik sa section namin. Nang dahil sa kanya muntik pa kaming mapaguidance ng teacher namin sa Math, 'buti nalang at hindi tinuloy 'yon dahil napakiusapan ng adviser namin yung teacher namin sa math. As a result of that betrayal, kailangan naming maglinis ng buong school tuwing weekends ng whole 2 months.

"Feeling ko si Fesie yung tiktik sa section natin! kung siya talaga yun, sasabunutan ko siya to the highest level!" galit na reklamo sa akin ng kaibigan kong si Van.

Tinignan ko siya at nakita ko siya na may pandidiri sa mukha kaya naisipan kong tanungin siya.

"Bakit ganyan yung mukha mo Van? ang pangit mo!" pang-aasar ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at agad akong tinignan ng masama.

"Hindi ko na pala siya sasabunutan baka may kuto, mahawa pa ako!" magkasalubong ang kilay niya at nakakunoot ang noo ng sinasabi iyon.

Tumawa na lamang ako at saka tinuloy ang pagwawalis at pagdampot ng mga kalat.

Medyo pagod na rin ako dahil maghapon na kaming naglilinis dito sa school, kung hindi lang dahil sa tiktik na yun, hindi kami maglilinis at maghihirap dito.

Ang laki pa naman ng school na 'to.

Nang mag-alas singko na, saka kami pinayagang umuwi ng aming presidente kaya nagligpit na kami at saka lumabas ng school.

Nang makalabas kami ni Van, bigla naman siyang nag-ayang kumain sa kalapit na cafe na konting lakad lang ang layo sa school namin. Hindi na ako tumanggi dahil gutom na rin ako at gusto ko ring magpapresko sa lugar na may aircon.

Lumipas ang ilang minuto, nakarating kami sa cafe at saka naghanap ng mauupuan. Pinag-order ko na si Van dahil tinatamad akong tumayo. Nakita ko ang pag-irap niya sa akin bago siya tumayo at umalis, tumawa na lamang ako at saka tumingin sa labas ng cafe.

Nakatingin lang ako sa mga kotseng dumadaan ng mapako ang tingin ko sa babae at lalaki na nakaupo sa bench at nagtatawanan.

Napakunot ang noo ko at tinignan sila ng may pagkadisgust, ba't may mga taong ganun dito, dapat doon sila sa private. Tsk.

Hindi ko alam kung bakit nakatitig pa rin ako sa kanila, may itsura naman 'yung lalaki, not bad, tapos yung babae, meron din naman. Bagay naman sila. Edi wow.

Tumingin pa ako ng ilang minuto roon saka nag-alis ng tingin dahil tumingin sa gawi ko yung lalaki at sakto rin namang dumating na si Van na may nakabusangot na mukha.

________

This story is created through the creative ideas and thoughts of the writer. And I wrote this story for the first time, so please bear with me.

(This is also for my own interests and desired scenes for each part of this work)

Happy Reading :)

- Authorishia

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now