Chapter 14

21 7 0
                                    

Chapter 14

Gumising ako ng mabigat ang katawan dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Flashback

Bababa na sana ako ng bigla akong hawakan sa braso nung lalaking mayabang kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita habang nakatitig sa mga mata ko.

"Time passed so fast, but I'm happy to be able to be with you tonight, by the way..."

Lumingon siya sa likod at kinuha yung panda na stuffed toy tapos binigay sa akin.

Napakunot ang noo ko at tinignan siya ng nagtataka.

"Regalo ko nalang sa iyo iyan." saka siya ngumiti ng nakakatunaw.

Hindi ako nakapagsalita, as in nakatulala lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, parang tumiklop yung dila ko at parang may naramdamang 'butterflies in my stomach' na sinasabi nila.

"Have a good evening and sweet dreams, bye." pagpapaalam niya sa akin.

"Thank you, bye." wala sa sarili kong sabi saka bumaba sa kotse

Tumango lang siya, saka ngumiti at nagpaalam na.

Nagmadali akong pumasok ng bahay at pumunta sa kwarto ko saka humiga sa kama at nagsisigaw sigaw, na may pagulong gulong pa, kinuha ko yung panda na stuffed toy at saka kinurot kurot at niyakap.

End of flashback.

Maaga akong gumising dahil ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking iyon, hindi pa ako maka get over sa nangyari kagabi.

Habang nasa sasakyan ako at hinahatid ni Manong hindi ko sinasadyang mapasigaw dahil naalala ko na naman ang pagpapakilig sa akin nung lalaking 'yon.

Napatingin naman sa akin si Manong at saka nagtanong.

"Bakit Maam, anong nangyari?" kabadong tanong ni Manong.

I smiled awkwardly, saka nagsalita.

"Manong, sorry ho, may naalala lang." paghingi ko ng pasensya. Tumango lang naman si Manong saka nagdrive ulit.

Nakarating kami ng school ng 6:34 ng umaga kaya kumalma ako dahil kanina pa ako kinakabahan, ewan ko ba sa sarili ko.

Dumiretso agad ako sa room, yung introvert na kaklase pa namin yung nandoon, nagbabasa siya ng libro, ewan ko lang kung tungkol sa acads yon or others.

Umupo ako sa upuan ko saka yumuko, matutulog na sana ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko kaya napatingin ako at bahagyang nagulat.

"Thank you for saving her." saka siya tumayo ulit at bumalik sa upuan niya.

Napakunot ang noo ko saka tinignan siya at sinabing 'ha?'

Umiling lang siya at saka ngumiti.

Napangiwi ako sa kanya at saka nag-isip ulit kung tungkol saan yung sinasabi niya, hindi ko talaga magets!

Bahala siya dyan!

Matutulog nalang ako para mawala iyon sa pag-iisip ko. Lumipas ang ilang minuto na sinusubukan kong matulog pero hindi naman ako makatulog. Wala akong choice kung hindi mag selpon nalang, dahil bored ako at walang maisip na magawa, ayoko naman bumaba, basta ayoko yung mga gagawin na kailangan pang tumayo dahil tinatamad ako.

Nagcandy crush lang ako at makalipas ang ilang minuto ng may maalala ako.

Itatanong ko kay Van kung bakit iniwan nila ako dun sa Enchanted Kingdom, nanggigil talaga ako, hindi niya man lang ako tinext or something.

The Photographer's Missing Ivory (On-going)Where stories live. Discover now