Wakas

8.6K 273 172
                                    

Wakas

It was a family tradition to go in Badoc every new year. Zach and I have been always looking forward to the day we'll get to watch the fireworks under the dark sky with the sound of the waves crashing to the shore. But it was that unexpected moment when I met her. I thought it was a typical week celebrating Christmas and New Year. I was wrong.

"Kuya, ano ba?"

"Sandali lang, Zach!"

Inis na nagpapadyak ang mas bata kong kapatid habang sinasarili nang buuin ang kahoy naming bangka. Malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa laot kaya naman pati ang buhok ko ay nagugulo na. I frowned when I heard a soft voice, crying. Bumaling ako kay Zach at hinayaan siyang ayusing mag-isa ang bangka. I curiously followed the sound.

"M-mommy!"

Natanaw ko sa 'di kalayuan ang isang babae, siguro ay mas bata sa akin. Umiiyak siya habang nakaupo at puro buhangin ang damit, braso, at binti. Ang iilang hibla ng kaniyang kulot na buhok ay dumikit na sa kaniyang pisngi dahil basa iyon ng luha. She was wearing a lavender dress and half of her hair was tied with a white ribbon. Hindi ako nag-alinlangang lumapit sa kaniya upang tumulong.

"Are you okay?"

"No! I'm dirty!" she cried.

Lalong lumakas ang iyak niya. I looked around to try and find her guardians. Isang babae at lalaki ang naaninag ko sa loob ng chapel. I think they were dancing each other because my parents also do that, especially when their theme song is playing. Medyo malayo iyon mula rito kaya hindi siya naririnig. Is that her parents?

"Come on, stand up." aya ko.

Marahan ko siyang tinulungang tumayo. I'm nine but I know how to hush a child because of my little brother. Hinawakan ko ang laylayan ng puti kong polo shirt at iyon ang ipinamunas sa kaniyang braso.

Binawi niya ang kamay niya habang humihikbi. "Your shirt is going to get dirty."

Umiling ako. Wala na iyon sa akin. Pinagpagan ko ang binti niya hanggang sa mawala ang mga buhangin. Unti-unting tumigil siya sa pag-iyak at pinunasan ang pisngi. Her nose is reddish now.

"Ayan na. Wala na ang dumi."

Ngumuso siya. "Look at your shirt. I'm sorry.."

I pressed my lips together and held her wrist again to guide her back to the chapel. Sumisinghot-singhot pa rin siya ngunit tumigil na sa pag-iyak. Tumigil ang mga bantay niya sa pagsasayaw nang makitang kasama ko siya.

"Daia?"

The woman immediately went to us. Nag-aalala niyang pinunasan ang pisngi ng anak at inayos ang damit na nagusot na.

"Napada po siya sa buhangin, ma'am." ani ko.

The man sighed. "Come here, baby. Anong nangyari?"

Umatras ako upang hayaan silang amuhin ang anak. Daia? Her name is nice. Bumaling sa akin ang ina niya at nginitian ako. She even tried to clean my shirt with her handkerchief.

"Thank you.." she said. "What's your name?"

"Zion.." I replied.

"Daia, say thank you to Zion."

She turned to me and stared at my face. Parang nailang ako at kinabahan sa paraan niya ng pagtingin sa akin. She giggled after that. Kasabay no'n ay ang pagngiti rin ng mata niya.

"Thank you, Zion."

Her mother chuckled. "He can be your friend starting now.. Don't cry."

She held her hand and waved at me. Ngumuso si Daia at kumaway na rin sa akin para magpaalam. I waved my hand back and stepped away. Nang tumalikod sila paalis ay nilingon niya pa ako.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now