Kabanata 2

4.4K 161 38
                                    

02 – Gift

"What are you waiting for, Daia? Face him. May dala yata para sa inyo ng tito mo."

Ngumisi si Gigi na siyang ikinakaba ko. I bit my lower lip and glanced at the window again. He's still there near the front door. Umiling ako agad sa kaniya.

"P-parang nakakahiya?"

"Matapos mong mag-joke, nahiya ka pa?" Jewel laughed.

Ngumiwi ako at muli siyang sinilip. He was wearing his uniform. Medyo malayo kaya hindi gaanong malinaw ngunit alam kong iyon ang suot niya. Noong nakaraan lang ay iniisip ko pa kung anong hitsura niya kapag ganoon ang suot!

The box was on his hand. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Sayang ang pagkakataong makita siya kung hindi ko susulitin! Saktong wala si tito kaya pagkakataon ko na ito!

"Go, Daia!"

Tumatawa si Jewel na sumunod sa paglabas ko ng pinto ng kuwarto. Kinakabahan akong bumaba nang dahan-dahan sa hagdan. Sumilip pa muna ako at nakita siyang nakaupo sa sofa. The box was already on the center table. Mag-isa siya at mukhang may hinihintay.

"Omg, naka-uniform!"

"Shh, Jewel! Baka marinig tayo!" saway ko.

"Bakit ba tayo nagtatago? Hindi ba't haharap ka sa kaniya?" tanong ni Gigi na nakasilip na rin.

Hindi ko sila pinakinggan at pinagpatuloy ang pagmamasid mula sa malayo. He looked formal in his uniform. His skin was whiter than mine, and his arms looked firm. Seryoso rin ang kaniyang mukha at malinis ang gupit ng buhok. His eyes were beautiful, especially the color. Mayroon pa siyang suot na silver wristwatch sa kaliwang palapulsuhan.

Looks like he's waiting for someone. Is that yaya? Baka naman hinihintay niya si tito? Is he looking for someone else? Puwede namang ako na lang ang humarap.

I immediately fixed my hair and twirled the ends of my soft curls to give it more definition. Hinila ko pababa ang umaangat kong palda at inayos ang necktie ko. Parang nagsisisi pa akong hindi agad ako nagbihis. I don't want to look like a child in front of him. Huminga ako nang malalim at puno ng kumpiyansang bumaba ng hagdan.

"Ang tapang naman pala?" bulong ni Jewel.

My cheek automatically blushed when my feet reached the sala. Bahagya siyang nakatalikod kaya naman kita ko ang lapad ng likod niya, ganoon din ang balikat. I bit my lower lip and went to him.

"H-hi! Do you need anything?"

Kinakabahan akong tumayo sa harap niya. Umangat ang tingin niya sa akin at tumayo rin. He cleared his throat and formally shook his head. Pinaglaruan ko ang daliri ko sa likuran upang kalmahin ang sarili ko.

"Ipinabibigay lang ito nina mama sa tito mo. He ordered this." he pointed at the box.

"Ah. Ganoon ba?" I slowly nodded and smiled. "May gusto ka ba? Water o juice? Tea? Iced tea?"

"Aalis na rin naman ako kaya hindi na. Dinala ko lang talaga ang mga ito."

I felt a little sad. Masyadong seryoso at pormal ang boses niya kaya naman hindi ko rin magawang maging kumportable. Ni maging friend yata ako ay ayaw nito sa sobrang pormal.

"Sayang naman.." bumuntong-hininga ako. "Naisip ko kasing baka pagod ka kaya kita inaalok."

I pouted and looked down. Nahihiya akong tinanggihan niya ngunit umangat ulit ang tingin ko sa kaniya nang hindi pa rin siya umalis sa harap ko kahit kanina ay nagpaalam na siya. Pilit akong ngumiti nang makitang na sa akin ang paningin niya.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now