Kabanata 18

3.5K 98 22
                                    

18 – Suspicion

"Nagmamadali ka ba ngayon, Daia? Nag-aya kasi sina Joe. Baka gusto mong sumamang kumain?"

I smiled at the girl who spoke to me. Habang nagmamadaling inililigpit ang mga gamit ko ay tinignan ko siya. It's already afternoon. Hindi ako puwedeng maggala pa dahil may hinahabol akong oras.

"Uh.. May lakad ako, e.." sagot ko upang tumanggi. "Sa sususnod na lang siguro."

"Sige. Mauuna na kami."

I waved my hand at her. "Ingat.."

Mabilis kong binitbit ang mga libro ko at bag saka tumungo na sa labas ng school. My guards were waiting there. Marami na ring mga estudyante ang naglalabasan. Hindi na ako nakipagkumustahan sa iba at pumasok agad sa sasakyan.

"Tara na po, kuya."

Hindi naman na nagtagal ang biyahe namin at nakarating din sa building. I was silent and nervous at the elevator. Nagmamadali akong naglakad patungo sa unit ko at nakangiting binalingan ang mga guard.

"Tatawagin ko na lang po kayo kung may kailangan ako."

Tumango ang isa. "Sige, miss. Pumasok na kayo."

I nodded too and opened the door. Bahagya ko lamang iyong binuksan at tahimik na pumasok. Nawala lang ang kaba ko nang tuluyang maisara ko ang pinto. I immediately went to the salas and placed my books on the table.

The door of the bathroom suddenly opened. I smiled to welcome him. He's still here. Kaya ako nagmadali dahil gusto kong maabutan siya bago siya bumalik sa kanila.

"Ang aga mo.."

Tumango ako kasabay ng paglapit niya sa akin. He was wearing a usual dark colored shirt and maong shorts. Medyo magulo ang kaniyang buhok at mukhang natulog ngayong hapon dahil sa hugis ng mata.

"Binilisan kong umuwi. Baka kasi hindi na kita maabutan.." ani ko. "Anong oras ka ba aalis?"

"Maybe at six o'clock. Ayos lang ba sa iyo?"

"Oo naman. Kahit agahan mo ay ayos pa rin. Para maaga kang makapagpahinga."

He held my waist and gently kissed my forehead. Napapikit ako at namula ang pisngi ko. Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagpahila sa kusina.

"Nagluto ako ng merienda. Gutom ka ba?"

"Talaga? Anong merienda?"

Hinila niya ang upuan para sa akin bago kinuha ang corn dogs sa microwave. Hindi ko pa rin natitikman iyon dahil ayaw pumayag ni tito sa tuwing nag-aaya akong bumili. Umupo na rin siya sa tapat na upuan at inilapag iyon sa lamesa.

"Magugustuhan ko ito, sigurado." masaya kong sabi.

"Tikman mo muna."

Nagsimula kaming kumain pareho ng niluto niya. I was right that it was good. I can't help but to feel happy that he's here. Baka kasi ilang araw ulit kaming hindi magkita.

Hinawakan niya ang baba ko nang mayroong makitang dumi sa gilid ng labi ko. He removed it with his thumb, making my heart go wild. Sinundan niya iyon ng isang tanong.

"How's your day?"

I shrugged. "Okay naman.. Medyo maraming ginagawa pero kaya. Konti na lang naman na at magtatapos na ako."

I continued eating what he prepared. Nakangiti siya habang pinagmamasdan akong kumain. Umangat lamang ang kilay ko sa kaniya at sinenyasan siyang kumain na rin.

"Your first project might be our house. I told mama about your blog and she checked it. Nagustuhan niya ang mga gawa mo." he said.

"Your house is too big for a first timer.." I replied. "Susubukan kong ayusin ang basement namin. Walang laman kaya iyon muna."

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin