Kabanata 30

3.6K 108 12
                                    

30 – Changed

I left the house after him. Hindi na rin naman ako nagtagal dahil kailangan ko pang bisitahin si tito. I was right that there is another stairs on the other part of the house. Doon pala siya dumaan kaya hindi ko siya nakita sa main staircase. Kung hindi ako nataranta at umakyat, hindi na sana kami nagkita pa.

Doon ba siya dumaan dahil iniiwasan niya ako? Mrs. Rosales told him that we were there, right?

Bumuntong-hininga ako at winala na iyon sa isip ko. Ang mask at sumbrero ay suot ko pa rin upang itago ang mukha sa pagpunta kung saan nakakulong si tito. Walang palya akong bumibisita tuwing may iskedyul. Kahit pa mapapansin ako ng iba at pagtatawanan.

"Tito.."

Malawak ang kaniyang ngiti nang tumungo sa akin. He was wearing his orange shirt, as usual. Nanatili na rin sa ganoong ayos ang kaniyang katawan, hindi na bumalik sa dati. His hair was white, and has a hollow on his cheeks. Hindi pa rin yata sanay sa buhay selda.

"Kumusta kayo? Pasensiya na at ngayon lang ulit ako bumisita."

"What are you saying?" natatawa habang umuupo niyang tanong. "Ngayon lang naman talaga ang dalaw mo. Balak mo pa bang araw-arawin?"

"Kung pwede, araw-araw akong pupunta rito."

I giggled and held his hand. Sandali kaming natahimik at hinawakan niya ang pisngi ko habang puno ang mga mata ng sayang nakatingin sa akin.

"I missed you, Daia."

I closed my eyes to feel his touch. His hands were rough but his touch felt gentle like before. I miss him but he needs to pay for his mistakes. Ngumiti ako at dumilat upang magkuwento sa kaniya.

"I met with my first client today."

"You're going to start working?"

Tumango ako. Ipinatong niya ang kamay sa lamesa ngunit hindi ko binitiwan iyon. I won't mention Zion. Hindi naman kailangang malaman ni tito na siya ang may-ari ng bahay.

"Naisip ko po kasing sobra na ang isang taong pagpapahinga at pagtatago lang. I have to live again. Hindi naman dapat sa nakaraan lamang umikot ang mundo ko."

"That's great. Pero, huwag mong papagurin ang sarili mo. I left everything to you. Sobra-sobra na ang lahat."

"I want to have my own career.." I replied. "Kahit mahirap, dapat ay magsimula ako."

He nodded at me, but worry didn't leave his eyes. I am worried, too. Ngunit wala naman iyong maitutulong sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. I need to start again.

"Maayos ba ang kliyente mo?"

"Opo. She doesn't look at me like I'm some criminal. Hindi siya mapanghusga. Isa iyon sa dahilan kung bakit tinanggap ko ang proyekto."

Kumunot ang noo niya. "People won't stop harassing you?"

"They're not harassing me. Napag-uusapan lamang ako kung minsan."

"I can send you abroad if you want–"

"Hindi na, tito.." tanggi ko agad nang may ngiti. "I'm fine here. Narito ang mga kaibigan ko at hindi naman nila ako iniiwan. I already have a client and I am starting."

He doesn't know that I donated almost everything. Magalit man siya, wala na siyang magagawa dahil nagawa ko na. At least the children were able to go to school with his funds.

Bumuntong-hininga siya. "Are you sure you can handle the outside world again?"

"I don't have a choice but to be sure. The world won't stop for me. The sun will continue rising again tomorrow, and it won't make a difference if I'll hide in my room like before.."

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن