Kabanata 19

3K 100 38
                                    

19 – Conscience

"Hello, Ate Tin?"

Matapos hindi sagutin ni tito ang ilang beses kong tawag ay ang isa sa kasambahay na namin ang tinawagan ko. Ang pag-asa kong makausap si tito sa ganitong panahon ay hindi nawala. Dahil ba maraming problema ngayon ay hindi na niya ako kakausapin?

"Daia? Napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Itatanong ko lang po sana kung nakauwi na si tito? Hindi na naman po kasi sumasagot sa tawag ko."

"Na sa opisina niya rito sa bahay ngunit ayaw magpa-istorbo, e. Mainit na naman ang ulo."

Bumuntong-hininga ako. Natapos na ang balita at tapos ko na rin ang lahat ng kailangan kong gawin, pero hindi ako makakatulog nang hindi siya nakakausap.

"Baka naman puwede ninyong sabihing gusto ko siyang makausap? Kahit sandali lang, ate."

"Sige, aakyat ako.." sagot niya."Huwag mo munang papatayin ang tawag."

Tumango ako at umupo sa kama. Binuksan ko ang lamp shade at hinintay na si tito ang pumalit sa kabilang linya. I even heard Ate Tin talking to someone.

"Kausap ko si Daia. Hinahanap niya si governor."

Ilang sandali pa akong naghintay. Inayos ko ang kumot ko nang humiga. Hanggang sa ganitong oras ay nagtatrabaho siya. That isn't healthy.

"Daia, hindi raw pumayag si governor. Marami raw kasing ginagawa."

I frowned. "Kahit sandali lang?"

"Ipinasabi ko pa sa tauhan niya ngunit iyon lang din ang isinagot ni governor. Pasensiya na."

Kinagat ko ang labi ko at walang ibang nagawa kung hindi magpaubaya na lamang. Noon ay ayaw niya pa akong nahihiwalay sa kaniya, ngayon naman ay halos hindi na ako kausapin kahit sa telepono man lang.

"Hindi niyo naman kasalanan, ate.." marahan kong sabi. "Tatawag na lang po ako sa susunod. Salamat po."

Nang mamatay ang tawag ay agad kong hinanap ang numero ni tito. Mabilis akong nagtipa ng mensahe upang ipadala sa kaniya.

Tito Jeffrey:

              I don't know what is wrong with you but I hope you're okay. I'll see you soon and I miss you. Everything will be fine, tito. I love you.

I sadly smiled before going to sleep. Nang magising kinabukasan ay naging normal naman ang araw ko. I tried to call again but I didn't get an answer. Nang makauwi ay hinintay ko si Zion na dumating kahit na wala siyang sinabing pupunta siya. I know he will come today because it's his rest day tomorrow.

I was watching news again when the doorbell rang. Tinungo ko iyon at tama nga akong pupunta siya. A tall man wearing a usual dark colored shirt appeared in front of me. His hair was clean cut again, malamang ay nagpagupit noong naroon pa siya sa amin. I immediately smiled and open the door wider for him.

"I knew you're gonna come."

He smiled back and entered the unit. Dumulas agad ang kaniyang kamay sa baywang ko upang lumapit at halikan ang pisngi ko. Mahina lamang akong tumawa at inaya na siya sa salas.

"How's your week?" he asked.

"Busy. Ikaw?"

He sighed. "Stressful."

Ngumuso ako. Oo nga pala at pareho sila ni tito. I tapped his shoulder and stared at his face. Halata naman sa kaniya ang pagod niya. And even though I want him to rest at their house, I feel happy and loved whenever he comes here. Masaya akong kahit pagod siya ay napupuntahan niya ako. Lalo pa kapag gusto ko siyang narito.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن