Kabanata 31

3.9K 124 38
                                    

31 – Threat

"Please make sure the dimensions are correct."

"Yes, ma'am."

Ngumiti ako sa isa sa mga tauhan at inilibot ang mga mata ko sa loob ng second floor. We're doing this first. Mahirap kasing maghakot ng materyales kung tapos na ang baba. Magkakagulo lamang at magkakalat sa mga tapos nang gawin.

Pinagpag ko ang kaonting alikabok sa aking long sleeve na blouse. Narinig ko ang tunog ng takong sa loob kaya naman nalaman ko agad ang pag-akyat ni Mrs. Rosales. Agad ko siyang sinalubong sa bukana ng hagdan.

"Kumusta?" she asked.

Inilahad ko sa kaniya ang ginagawa ng apat na mga lalaki. I am glad this is going smoothly. Kahit unang beses ko pa lang, nagawa ko namang magkaroon ng magagandang disenyo para sa kabuuan ng bahay.

"Doing great, Mrs. Rosales."

Napangiti siya at tumango. "Ah. Nanghihingi kasi ng update si Sir Zion."

"Don't worry. I can send him an email."

"No need. Ako na raw ang magsabi sa kaniya."

Umawang ang labi ko at tango na lang ang naisagot. I mean, I am not very comfortable talking to him. Ngunit kung sa social media o email lang naman, walang problema. Pati sa email ay hindi niya rin ako kakausapin? It's not that I care, though.

Pagak akong natawa. "Kadalasan po ba talaga ay ganito siya? Iwas talaga sa tao."

"Medyo iwas nga, ngunit nakikipag-usap naman. Hindi ko lang alam kung bakit mas iwas kapag ikaw.. Maybe you're a different vibe."

"Different vibe?"

Tumawa rin si Mrs. Rosales sa sariling biro. Napaiwas ako ng tingin at pineke na lamang ang tawa ko.

"Siguro nga po.."

"Maiiwan muna kita. I'll call him." paalam niya.

"Sure. Go ahead."

Muli siyang bumaba ng hagdan upang tawagan ang boss niya. Ako naman ay bumalik sa trabaho upang tapusin na ang araw. I need to come home early today. Ang alam ko kasi ay maaga ring uuwi ang mga kaibigan ko.

I didn't see Zion come to the house when I left. Inaasahan kong uuwi siya ngunit hindi iyon ang nangyari. His car was parked but he wasn't there. Sa huli ay umuwi na lamang ako. What's the point of seeing him, anyway? Si Mrs. Rosales na ang bahalang magbalita sa kaniya ng mga nangyari.

"So? Nag-usap na kayo?"

Palihim akong umirap sa tanong ni Jewel. Busy siya sa pagkain ng ice cream at panonood ng movie ngunit talagang nagawa pang magtanong. Bumuntong-hininga ako at hindi inialis ang tingin sa aking laptop.

"Hindi."

"Hindi? Sinisimulan na ang bahay, ah? Hindi niya pinupuntahan?"

I sighed again and glanced at her. Kunot ang noo niya habang hinihintay ang sagot ko. Isinara ko ang laptop at pumangalumbaba sa kaniya.

"He has nothing to do with me, Jewel. Hindi niya ako kailangang puntahan."

"Malamang! He has nothing to do with you talaga. Ex ka na, e!" prangka niyang sabi. "What I meant is the house! Hindi niya pinupuntahan ang bahay niya?"

I looked away. "Hindi gaano.. Siguro, kapag wala ako."

Napabaling ako sa hallway nang makarinig ng mga yapak. I've been very sensitive to footsteps after what happened. Kaonting tunog lamang ng mga yapak ay kinakabahan na ako. Nakahinga ako nang maluwag nang si Giselle ang sumulpot dala ang isang paper bag.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now