Kabanata 32

3.9K 108 2
                                    

32 – Cause

Matapos sabihin sa kaniya kung saang condo building umuuwi ay hindi na ako nagsalita pa. The rain was pouring hard while we were on the road. Nang tumigil sa mismong tapat ng building ay binuksan ko agad ang pinto. I glanced at him and nervously smiled.

"Salamat.. At ingat sa pag-uwi."

He just nodded at me. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad papasok hanggang sa makarating ng elevator. Pilit kong isinisiksik na isip ko na wala lang iyon at concerned lang siya dahil masama ang panahon. I shook my head and inhaled deeply.

"Hindi ka ulit nagpasundo. Nakapagdala ka ba ng payong?" tanong ni Jewel nang makauwi ako.

"Hindi. Hindi naman ako inabutan ng ulan."

Hinubad ko ang jacket ko at dumiretso sa kusina. She was at the salas working on her lesson plan. Nilagok ko ang isang basong tubig bago tumungo sa sofa.

"How's work?"

I shrugged. "Fine."

"Nagkita kayo?"

Lihim ulit akong umirap at pabiro siyang binatukan. She always ask this! Nauubos na ang lakas ng loob kong magsinungaling dahil paulit-ulit na ang tanong niya!

"Ni mag-usap, hindi magawa?" pagak siyang natawa. "Talagang binura na ang isa't isa?"

"Hindi naman na dapat pang mag-usap. I'm not there as his ex."

"Hindi na siya marupok ngayon." ani Gigi na kadarating lang.

She chuckled and placed a milktea on Jewel's table. Pumalakpak pa iyon at agad tumikim. Ako naman ay tumayo na upang linisin na ang sarili ko sa kuwarto.

"Bibisita ako bukas ng umaga kay tito. Huwag ninyong kakainin ang iluluto ko, ah?"

"Daan ka muna sa café. Bili mo ako ng cappuccino. Madadaanan mo naman ang school." pahabol na sabi ni Jewel.

Tumango ako at pumasok na sa kuwarto. Kinabukasan ay mas inagahan ko ang gising upang magluto at bumisita kay tito. I wore my mask and cap when I went out. Naglakad lamang ako hanggang café dahil sa tabi lang naman iyon ng waiting shed. It wasn't rainy anymore. Mas gumanda na ang panahon ngayon.

I sat down and fixed the tupperware with food inside. Marami ngunit hindi naman puno ang café. Two to three tables were empty. I secured the paper bag before standing up to get Jewel her cappuccino. Akmang tatayo na ako nang mayroong lalaking umupo sa tapat.

"Sorry.. May kasama kasi ako." agad kong sabi.

He didn't listen to me. Kumunot ang noo ko at sinilip ang kaniyang mukha. It wasn't that visible because he was also wearing a mask. Naka-sumbrero gaya ko na para bang nagtatago rin.

"Sir, ayos lang bang doon na lang kayo? Parating na po ang kasama ko."

Hindi ulit siya sumagot. Nang tanggalin ang cap ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Agad akong kinabahan. The left part of his forehead was burned. Pilit akong ngumiti at hinawakan ang paper bag ko.

"Sige po.. Ako na lang ang lilipat–"

"Para saan ang dala mo?" tanong niya. "Bibisitahin mo ba si Jeffrey?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang sinabi. Fear immediately crept into my mind. Kilala ko ang malalim at nakapangingilabot na boses niya. Nanginig ang aking kamay at napako ang tingin sa kaniya.

"I told you we will meet. Akala mo siguro ay nagbibiro ako."

Agad akong tumayo upang umalis ngunit nanghina ang aking tuhod. My chair made a sound and my hand accidentally slammed the table when I tried to get support. My knees were shaking. He looks familiar but I don't know him.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن