Kabanata 15

3.1K 144 52
                                    

15 – Anniversary

"You left, tito."

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang umuwi si Tito Jeffrey sa bahay. It was afternoon when he came home. Ni hindi ko alam ang ginawa niya sa opisina sa buong araw. Kahit ang tawagan ako ay hindi niya manlang nagawa.

Sinalubong ko ang pagtahak niya sa hallway. Bumuntong-hininga siya at niluwagan ang tie na suot. He looked tired again. Isang marahang yakap ang ibinigay niya sa akin nang magpang-abot kami.

"I'm sorry, Daia. I had an emergency in the office."

"Nasabi nga po sa akin. Bakit hindi kayo nagpaalam man lang na aalis na kayo?" nag-aalala kong tanong. "I really looked forward in celebrating Christmas with you."

"I know that. And I'm sorry."

I sighed and looked at him. Pilit siyang ngumiti at hinimas ang buhok ko. I can't help but to be curious about it. Kahit pasko ay umalis siya para sa trabaho. What emergency was that?

"Ano bang emergency ang nangyari?" tanong ko.

"Hindi mo na kailangang malaman pa. It's confidential. Alam mo naman ang patakarang iyon."

I frowned. "Hindi ko man lang puwedeng malaman ang dahilan bakit hindi ko kayo nakasamang magdiwang ng pasko?"

He frowned at me too. Sa huli ay muli niya akong niyakap upang amuhin. I'm not mad but I'm disappointed. Inasahan ko kasing magkakasama na kami ngayong pasko. Tapos wala naman siya.

"Don't be mad at me. Babawi na lang ako sa'yo. Isa pa, narito naman ako ng bagong taon."

Umiling ako. Ako naman ang wala ngayong bagong taon. Zion didn't come back to his family immediately because he wanted to stay with me. Ako naman ang pupunta sa pamilya nila ngayon.

"Zion went here, tito. Siya ang nakasama namin noong pasko.." imporma ko. "At gusto ko sanang pumunta sa kanila sa bagong taon."

Kumunot ang noo niya. "Oh. Hindi ba masyadong mabilis? Hindi pa naman kayo."

"Malapit na.."

Tito looked away with coldness in his eyes. Nanatili akong nakatayo sa harap niya upang pagmasdan ang reaksiyon niya. It seemed that he doesn't like Zion. Dahil na naman ba ito sa iniisip niyang politika?

"I know you have hesitations, tito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ganiyang nararamdaman ninyo. Dahil ba pulis siya ay pati ako, magiging delikado na?" pilit akong ngumiti. "Zion is a good man. He won't do anything bad."

"People change for power."

"Did you change?"

Hindi siya sumagot. The power didn't change him. Hindi pa nangyayari at sana ay hindi mangyari. I held his arm to convince him. I don't just like Zion. I know I am ready for him.

"I believe in him.." I proudly said. "And I am going to say yes to him, tito. I want your support on that."

"Whatever you want, Daia.." he answered. "Just remember that I will do everything in my power to keep you safe. Isang maling galaw ng lalaking iyon ay hindi na kayo magkikita pa."

Nawala ang ngiti ko ngunit wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango para sumang-ayon. Tito breathed deeply and came closer to hug me again.

"Go and celebrate new year with his family. I'm going to work in my office."

He kissed my forehead and walked away. Naiwan ako sa hallway na iniisip ang sinabi niya, ganoon na rin ang kalagayan niya. Is it true that power changes people? At mangyayari naman kaya sa kaniya ang bagay na iyon kung totoo?

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now