Kabanata 16

3K 115 25
                                    

16 – Danger

I groaned when I felt my arm hurting. Kahit nakapikit ay pilit kong minasahe iyon upang mawala ang manhid. I was about to go back to sleep when my phone rang. Bumuntong-hininga ako at kinapa iyon sa bedside table. I am still so sleepy. Anong oras na ba akong nakauwi kanina?

"Hello?"

"Is my girlfriend finally awake?"

My eyes immediately opened when I heard his voice and what he said. Napabangon ako kasabay ng pagwawala ng dibdib ko sa baritonong boses na iyon. Mabilis kong pinunasan ang gilid ng labi ko.

"A-ah.." I yawned. "Good morning."

"Naistorbo yata kita."

"Hindi naman.. Kagigising ko lang."

Napangiti ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. I went out of my bed to look at myself in the mirror. Bakit ang aga niyang tumawag? Magkasama lang kami kanina.

"Is governor there? I want to talk to him personally."

I sighed. "He's busy all the time. Kapag puwede na ay sasabihan kita. Sa ngayon ay ako muna ang magsasabi."

"Magsasabi ng?"

Natigilan ako sa sinabi niya. I bit my lower lip and secretly blushed. I gulped hard as I remember what happened last night. Nag-init ang pisngi ko.

"Na tayo na.."

He chuckled on the other line. I giggled too and went back to my bed. Malawak ang ngiti ko habang inaalala nga ang kagabi, lalo na ang mga sinabi niyang hindi ko naman na maalala dahil bata pa ako.

"So, January first is the anniversary."

Tumango ako. "Uh huh.."

"You thought of saying yes to me in that specific date? Or was it spur of the moment?"

"I wanted to hear something from you before I say yes.." I replied. "At narinig ko iyon kanina. That is why I said yes."

I heard background noises on the other line. Hinintay ko ang sasabihin niya at muling humiga. Ano kayang sasabihin ni tito tungkol dito? I told him I'm going to say yes.

"You wanted to hear that I'm in love with you?" he asked.

"I wanted to hear you say that you love me."

"I love you.."

My lips parted when he said it again. Lalong nagwala ang dibdib ko. I forced myself not to smile widely. Halos ibaon ko na ang mukha ko sa comforter.

"I feel the same.." I pretended to be calm.

Magsasalita pa sana ako nang mayroong marinig na katok galing sa labas. Agad akong nataranta dahil baka si tito iyon. Hindi pa niya alam ang tungkol sa amin kaya pakiramdam ko ay nagsisinungaling ako.

"Ibababa ko muna, ha? Tumawag ka na lang mamaya.." mahina kong sabi. "Someone's knocking."

"Alright. Tatawag ulit ako."

"Okay, bye.." paalam ko.

"I love–"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatay ang tawag habang nagsasalita siya. Sunod-sunod pa rin ang katok sa pinto.

"Oh my! I'm sorry!" bulalas ko.

Imbis na tawagan ulit siya ay iniwan ko na ang cellphone ko sa pagkataranta. I went to the mirror again to fix myself. Namumula pa ang pisngi ko nang buksan ang pinto.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now