Kabanata 35

4.1K 124 41
                                    

35 – Reason

I couldn't hear anything while on the road. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi magpahinga dahil sa sakit ng katawan at pagod. Is it a good thing that Zion saw me there? Dahil hindi ko naituloy? Tama bang hindi pa naituloy?

I sighed and lazily glanced at him while he's driving back home. Hindi nagtagal at nakarating kami sa kaniyang bahay. He even carried me out of the car. Wala siyang sinabing kahit ano ngunit nanatili ang halo-halong ekspresyon sa mukha.

He sat me down the sofa and left me there. Ayaw ko man dahil marumi ako, hindi rin ako makakatayo nang maayos. He brought cold compress when he came back. Mabilis ang bawat kilos niya at nagmamadaling binalikan ako.

Marahan niya iyong idinampi pisngi ko. Halos mapaigtad ako sa lamig ngunit makatutulong naman sa pamamaga. I couldn't help but feel ashamed of myself. Umiwas ako ng tingin habang ginagawa niya iyon.

"Y-you don't have to do this."

"I want to."

I shifted my eyes back to him. Nagtama ang mga mata namin nang umangat ang tingin niya sa akin. I gulped hard and pressed my lips together. Umigting ang kaniyang panga habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"You have to tell me."

"You don't have to know."

"Kailangan kong malaman, Daia." mariin niyang sabi.

He doesn't have to. Masyado nang malaki ang kinuha ko sa kaniya noon. He suffered enough. Hindi naman siya dapat naghihirap kasama ko. Umiling ako upang magmatigas.

"Tapos ka na sa akin, Zion. Hindi ko sisirain ang buhay mo sa ikalawang pagkakataon dahil sa gulo ko."

"Hindi ba't sinabi ko noong gugustuhin ko pa ring madamay sa gulo kung iyon ang paraan para protektahan ka?"

Nagwala ang puso ko sa kaniyang mga salita. My tears formed. Noon iyon. Ngunit iba na ngayon. Ipaglalaban niya pa rin ba ako kahit hindi na kami?

"Sinabi ko iyon, Daia.. Ilang ulit kong ipinaramdam sa iyong ipaglalaban kita sa mga problemang kinahaharap mo.." puno ng sinseridad niyang sabi. "Nakalimutan mo ba? O talagang kinalimutan mo?"

Bitterness was in his voice. Tinigilan niya ang compress at hinilot ang sentido. Why is he saying this now? Kailangan ko pa bang alalahanin ang lahat matapos naming maghiwalay? I ruined him!

Yumuko siya at iniwasan din ako. "Bakit ayaw mong magtiwala sa akin?"

"N-natatakot ako sa'yo.."

Bumagsak ang luha ko kasabay ng panginginig ng kamay ko. Gulat ang kaniyang mga mata nang tignan akong muli. I am scared. Takot ako dahil hindi ko naman nalimutan ang lahat.

"You were my comfort.. But now I am scared of you.. I am so scared of you.." lumuluha kong sabi. "Natatakot ako sa'yo, Zion! Natatakot ako sa'yo!"

"I didn't do anything, Daia! Ipinaglaban kita! Ako, sa lahat ng tao, ang hindi mo dapat katakutan!"

Umatras ako habang umiiling. It's not what I meant. Hindi ito dahil sa sinaktan niya ako o anuman. It's more than that. Takot ako dahil naaalala ko ang lahat.. Pati ang paraan niya kung paano magmahal.

"Natatakot ako sa mga bagay na puwede mong gawin para sa akin.." humikbi ako. "Gaya noon.. M-mga bagay na hindi mo dapat talikuran, ngunit ginawa mo para lang sa akin.."

He couldn't answer me. Pinunasan ko ang luha ko at kumapit sa sofa upang pilitin ang sarili kong tumayo. Hindi ako dapat narito. I should stop associating myself with him.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Where stories live. Discover now