Kabanata 22

2.9K 99 20
                                    

22 – Insane

I was alone again when he left. Imbis na pag-usapan namin ang tungkol sa nangyayari ay iniwan na naman niya ako at tinakbuhan ang lahat. Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kuwarto, linisin ang sarili, at isipin nang walang humpay si tito hanggang sa pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

I want him to admit his mistakes on his own. Hindi dahil gusto ko siyang maging matapang at panindigan ang ginagawa niya, kung hindi dahil ako mismo ay hindi iyon kayang gawin. I love him so much and I can't let them take him because of me. Natatakot akong ikulong nila si tito kapag nagsumbong ako. Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga taong nadadamay rito, ngunit hindi ko talaga kayang isuplong siya sa mga pulis. Masyado ko siyang mahal para kayaning gawin iyon.

Kinabukasan ay siya ulit ang una kong hinanap. I went to his office but he wasn't there. Umasa akong umuwi na rin siya kagabi o kaninang madaling-araw ngunit wala pa rin. I went to the veranda to see him but a different person was there. Umawang ang labi ko nang bumaling siya sa akin.

"Zion.. Ang aga mo."

I fixed my hair and smiled. Ngumiti rin siya at umalis sa pagkakasandal sa poste. Lihim akong tumingin sa frontyard at nakitang wala pa nga ro'n ang sasakyan na ginamit ni tito nang umalis. Worry started creeping into my heart.

"I told you I'll get you a ring."

Mabilis kong ibinaling kay Zion ang atensiyon ko upang hindi niya mahalata. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang mayroon siyang hawak na lavender box. Maliit iyon at nang buksan niya ay singsing ang laman.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. He held my hand and slid it on my ring finger. Kahit maliit ang diamante sa gitna ay matindi pa rin ang kinang no'n. I inhaled deeply and tired to be happy about it. Peke akong ngumiti at pinagmasdan iyon.

"Ang ganda.. Bagay sa kamay ko."

"I just knew you wouldn't want an extravagant ring. Kaya ito ang pinili ko."

Tumango ako sa kaniya. I pressed my lips together and look around. Guards are everywhere. Hanggang ngayon ay hindi pa nauwi si tito. Mayroon pa kayang laman ang basement? O tinanggal na nila? Is tito still selling it? Nasaan na ba siya ngayon.

"Are you sure about this?" he asked.

I shut my eyes and looked up to him. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa pag-iisip. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magpanggap tungkol sa bagay na ito. I am lying to Zion.

"Why are you asking again? Hindi ba't sinagot ko na iyan?"

"Gusto ko lang makasigurado. Kung may pag-aalinlangan sa isip mo, sabihin mo lang sa akin."

"I'm sure, Zion." mabilis kong sagot.

"But you don't look like you are.."

Umawang ang labi ko sa isinagot niya. Napaatras ako at binawi ang kamay ko sa kaniya nang marahan. I am done with this conversation. I am sure! Bakit ba kailangang ulit-ulitin pa?

"W-why would you think that? Sinabi ko na ngang handa ako.." depensa ko. "Anong magiging dahilan para hindi?"

"I don't know. Pakiramdam ko ay may iba kang iniisip at bumabagabag sa'yo. Hindi mo lang sinasabi sa akin."

"Sinasabi ko lahat sa'yo. Walang kahit anong lihim o pag-aalinlangan. Sigurado ako, Zion."

Naging matatag ang boses ko. Alam kong walang dahilan para mainis o magalit sa tanong niya ngunit iyon ang nararamdaman ko. He sighed and held my hand again. Dinama niya pa ang singsing na ibinigay niya ngayon lang.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon